• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petisyon ng Light Rail Manila Corporation’s (LRMC) para sa taas pasahe, kinondena ng mambabatas

KINONDENA ni dating Bayan Muna Congressman Ferdinand Gaite ang petisyon ng Light Rail Manila Corporation’s (LRMC) para sa taas pasahe.
Tinawag pa nitong “heartless and unconscionable” ang hinihingi nilang dagdag pasahe na posibleng umabot sa P12.50 per ride.
“Walang-pusong timing ang LRMC. Nanghihingi sila ng dagdag-pasahe na aabot sa P12.50 kada biyahe habang 63% ng mga pamilyang Pilipino ay nahihirapan nang tustusan ang pang-araw-araw na gastusin. Ito ang pinakamataas na antas ng kahirapan sa loob ng dalawang dekada, pero gusto pa nilang dagdagan ang pasanin ng mga commuter,” ani Gaite.
Ayon pa sa dating kongresista, sa panukala ang short-distance trips ay P8.65 increase; mid-distance trips ay P6.02 increase; long-distance trips ay P12.50 increase. Ang maximum fare ay mula P45 sa P60.
“Hindi lang mga numero ang usapan dito. Para sa mga minimum wage earner na araw-araw sumasakay ng LRT, ang ibig sabihin nito ay mas kaunting pagkain sa mesa, mas kaunting pera para sa mga pangunahing pangangailangan. Paano ijujustify ng LRMC ang bagong taas-pasahe kung nagtaas na sila noong nakaraang taon?” tanong ni Gaite.
Nanawagan  naman ito sa Department of Transportation na ibasura ang petisyon ng LRMC.
“Nanawagan kami sa DOTr na tanggihan ang anti-mahirap na petisyong ito. Dapat naghahanap ang gobyerno ng paraan para pagaanin ang pasanin ng mamamayang Pilipino, hindi dinaragdagan ang kanilang kahirapan. Ang pampublikong transportasyon ay serbisyo, hindi luho,” diin ni Gaite. (Vina de Guzman)
Other News
  • Türkiye, nagmarka ng 75 taon sa Pinas: masigasig para sa environment tie-up

    KAPWA minarkahan ng Pilipinas at Türkiye ang 75 taon ng diplomatic relations sa pagtatanim ng 75 myrtle seedlings, simbolo ng matibay na commitment sa bilateral ties sa mga darating na taon, ayon sa Turkish Embassy sa Maynila.   Ang tree planting event, idinaos sa Makiling Botanic Gardens (MBG) sa Los Baños, lalawigan ng Laguna ay […]

  • Ads December 23, 2021

  • PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

    NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.     Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at […]