• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KOJC, nakiisa sa INC para sa gaganaping peace rally sa Jan. 13, 2025

MAKIKIISA na rin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinangungunahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa January 13 peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Manila.
Sa isang pahayag mula sa KOJC, sinabi nilang kinikilala ni Quiboloy ang hakbang ng INC para ipunin ang milyong katao, kasama na ang iba pang mga grupo.
Hangad umano nila ang kaliwanagan sa isipan ng mga mamamayan para sa kapayapaan at kaayusan.
Nais din ng KOJC na pangunahan ng makatwirang pinuno ang bansa, lalo na sa panahon ng karimlan.
Samantala, sa anunsyo naman ng Presidential Communications Office (PCO), suspendido na ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng private at public schools sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Enero 13, 2025 (Lunes), alinsunod sa Memorandum Circular No. 76.
Ito ay upang bigyang-daan umano ang maayos na pagdaraos ng “National Rally for Peace” na inaasahang dadaluhan ng maraming tao.
Other News
  • 2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL

    NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko”  makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15.     Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]

  • FIBA saksi sa PBA bubble

    NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.   Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]

  • Lalaki, kulong sa illegal na pagbebenta ng baril

    BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki na ilegal umanong nagbebenta ng baril matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City, Linggo ng hapon.   Sa inisyal na imbestigation, nakanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa ilalim ng pamumuno ni Station Chief P/Major Randy […]