• March 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: May 35,515 na taxis at TNVS ang bumalik na sa operasyon

Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may mahigit sa 35,000 na taxis at transport network vehicle service (TNVS) units na mag operate upang magbigay ng serbisyo sa mga commuters sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

May 18,514 na TNVS at 16,701 taxis ang pinayagan ng pumasada sa Metro Manila.

 

Habangang LTFRB naman ay pinaalalahanan at iginiit sa mga drivers at operators na sumunod sa mahigpit na health at safety protocols kung sila ay pumapasada lalo na kung may sakay na pasahero upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

“Safety precautions include the mandatory wearing of face masks and gloves, disinfection of vehicles and putting up barriers between the driver and the passenger,” ayonsa LTFRB.  Kasama rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng oras ng mga pasahero.

 

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga TNVS at taxi drivers na magpatupad ng itinakdang seating capacity ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emergency Infectious Diseases (IATF) sa kanilang mga units.

 

Wala namang inaasahan na pagtaas ng pamasahe sa taxis at TNVS. Cashless transactions lamang ang pinapayagan pamamaraan ng pagbabayad ng pamasahe sa taxi at TNVS upang maiwasan din ang pagkalat ng COVID-19.

 

Samantala, pinayahag din ng LTFRB na bubuksan nila ang 31 bus routes sa June 19 habang ang public transportation ay nananatiling limitado pa rin dahil sa COVID-19.

 

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgrana may nauna ng 15 bus routes ang nabuksan at maliban dito ang LTFRB din ay naghahanda na rin na muling buksan ang mga routes para sa provincial buses kapag muling nagsimula na ang lahat ng public transportation sa Metro Manila.

 

Para sa Phase 1, mula June 1 hanggang 21, ang Department of Transportation (DOTr) ay pinayagan ng mag operate ang trains, bus augmentation services, taxis, transport network vehicle services, shuttle services, P2P buses, at bicycles ngunit sa limitadong capacity lamang.

 

Pinayagan na rin ang mga tricycles na pumasada bago pa man ang Phase 1 subalit kailangan may approval ng mga local government units.

 

“For preparations for provincial buses, we are looking at integrated terminal exchange like the PITX, which is already open to become a terminal for all provincial buses,” dagdag ni Delgra. (LASACMAR)

Other News
  • Comelec, magsasagawa ng nationwide voter education roadshow sa Dec. 2

    Nakatakdang magsagawa ng isang nationwide voter education roadshow ang Commission on Elections (Comelec) sa Lunes, December 2, 2024.     Ito ay bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.     Kasama sa roadshow ang mga live demonstration ng automated counting machine (ACM), upang maging […]

  • Filipinas football team napanatili sa rank 53 sa FIFA

    NAPANATILI ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking.     Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila.     Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.     […]

  • Estados Unidos, tinutulungan ang human rights groups ng Pinas sa paghadlang sa cybersecurity threats

    TINUTULUNGAN ng Estados Unidos ang Philippine-based human rights organizations sa paghadlang sa cybersecurity threats kabilang na ang ‘doxing, phishing, at organisadong digital na pag-atake.’     Sinabi ng US Embassy in Manila na nagbibigay ng pondo ang Amerika para palakasin ang kakayahan ng human rights organizations.   Sa pakikipagsanib puwersa sa Asia Foundation, nauna nang […]