• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US Tennis Open, bubuksan

Naghahanda na ang organizer ng US Tennis Open sa muling pagbubukas ng torneo at sinabing payag silang gawin ito kahit walang audience bilang pagtupad sa mahigpit na health protocols ng gobyerno.

 

Ayon kay US Tennis Association (USTA) spokesman Chis Wilderman target nilang buksan ang torneo sa  Agosto sa New York.

 

Agad umano nilang iaanunsiyo ang mga pagbabago sakaling maaprubahan ng ang kanilang proposal.

 

Sinabi naman ni Richard Azzopardi, tagapagsalita ni New York Governor Andrew Cuomon, na pinag-aaralan na nila ang natanggap na proposal mula sa USTA.

 

Sinuspinde ang mga tennis tournament mula pa noong Marso matapos sumiklab ang coronavirus pandemic sa US.

 

Inilipat na rin ang French Open sa Setyembre 13 mula sa orihinal na petsang Mayo habang ang prestihiyosong Wimbledon ay kanselado na ngayong taon.

Other News
  • Nasayang na bakuna umakyat na sa P22 bilyon

    UMAKYAT na sa P22 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang nasayang sa Pilipinas makaraang mag-expire, masira o iba pang kadahilanan, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.     Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang P22 bilyon ay katumbas ng 44 milyong bakuna na nasira. Ito ay kung nagkakahalaga ang isang dosage […]

  • Palakasin ang defense at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, siniguro

    NANGAKO sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Japanese Speaker Fukushiro Nukaga na lalo pang palalakasin ang defense at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at pagpapalawig ang trilateral cooperation ng mga ito kasama ang Estados Unidos.       “Our relationship is at an all-time high with the recent signing not just of […]

  • Ads September 2, 2023