Marcial, labis ang pasasalamat sa suportang nakukuha sa PSC
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta kay Filipino boxer Eumir Marcial sa paglaban nito sa Olympics kahit na ito ay maging professional boxer na.
Nalalapit na kasi ang pagpirma nito sa isang promotional outfit at nababahala siya na baka matanggal na ang kaniyang allowance mula sa PSC kapag naging professional boxer na siya.
Subalit tinanggal nina PSC deputy executive director Atty. Guillermo Iroy at commissioner Ramon Fernandez ang pagkabahala ni Marcial dahil patuloy pa rin ang kaniyang allowance basta naghahanda ito sa nalalapit na Tokyo Olympics.
Bagamat seryoso na si Marcial sa pagiging pro-boxer ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pangarap na magwagi sa Tokyo Olympics.
-
P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank
INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya. Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises. […]
-
Walang nakikitang masama sa naging rebelasyon ng ex-bf… BIANCA, sinabing kaibigan pa rin si MIGUEL at happy sa kani-kanilang buhay
WALA raw nakikitang masama si Bianca Umali sa ginawang rebelasyon ni Miguel Tanfelix tungkol sa naging relasyon nila noon. Kinumpirma nga ni Bianca na naging sila ni Miguel noong magka-loveteam pa sila. “I don’t think I have any comments, kasi, honestly, I saw his interview and what he said. Finally he […]
-
Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief
TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos. Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address. “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]