• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, pinatawan ng 3-game suspension, P75-K multa si coach Tab Baldwin

Pinatawan na ng PBA ng three-game suspension at ng P75,000 multa si Ateneo coach Tab Baldwin dahil sa binitawan nitong mga batikos sa liga, at sa mga referee at coaches.

Ibinaba ni PBA Commissioner Willie Marcial ang parusa isang araw matapos ang pag-uusap nila ni Baldwin sa ginanap na conference call kasama ang mga opisyal ng liga.

Sa pahayag ng PBA, nanindigan silang malaking kasiraan umano sa liga ang naging pahayag ni Baldwin, na tumatayo rin bilang assistant coach ng TNT KaTropa.

Una nang humingi ng paumanhin si Baldwin kay Marcial sa idinulot na kontrobersya ng kanyang mga komento.

Other News
  • 3 drug suspects tiklo sa P550K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]

  • Chulani malaking kawalan para sa cycling – Tolentino

    PINAGLUKSA ng komunidad ng cycling ang pagkamatay sa atake sa puso nitong Linggo, Enero 10 ni Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani sa batam-batang edad lang na 45 taong-gulang.   Nanguna ang bagong muling nahalal na pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling (ICFP)) na si Abraham Tolentino, sa mga nakiramay sa mga […]

  • DOH, inilunsad ang Immunization Capmaign

    INILUNSAD ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang catch-up immunization campaign upang mabakunahan ang 107,995 bata laban sa vaccine-preventable diseases.   Target ng inisyatiba na mabakunahan ang nasa edad 0-23 buwan sa National Capital Region (NCR) na nakaligtaang bakunahan ng BCG vaccine, hepatitis B, Bivalent oral polio vaccine (bOPV) ,pentavalent vaccine,pneumococcal […]