HVI tulak, laglag sa Valenzuela drug bust, P340K droga, nasamsam
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas ‘Biboy’, 27 ng Brgy. Gen T De Leon na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 bills at cellphone.
Nauna rito, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA makaraang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebentan ng suspek ng droga.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba dakong alas-2:05 ng madaling araw sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela City Police sa kanilang dedikasyon at hindi natitinag na pangako sa kampanya laban sa droga.
Aniya, ang NPD ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na pangalagaan ang komunidad at alisin ang mga aktibidad ng ilegal na droga, na tinitiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa mga mamamayan ng Metro Manila. (Richard Mesa)
-
ANGELINE, nagiging emosyonal pero nag-let go na dahil mas peaceful na ang namayapang ina
NAGING emotional si Angeline Quinto nang sariwain ang alaala ng kanyang namayapang ina sa contract signing cum presscon ng kanyang bagong endorsement na Ayesha Beauty Products noong Biyernes ng hapon sa Romulo’s Café. Aminado si Angeline na masyadong siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kanyang ina. “Pero sinabi ko kay Mama na […]
-
Andas ng Poong Nazareno, pinatibay
GINAWA nang mass matibay ngayon ang andas ng Poong Hesus nazareno para sa Traslacion 2025 kung saan ginawa na itong sunproof , ayon kay Minor Basilica at national Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church . Sinabi ni Fr.Robert Arellano, tagapagsalita ng Quiapo Church na ang kapistahan ngayon ng Jesus Nazareno na makikita na ng […]
-
ARCHDIOCESE NG LIPA, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA TAAL EVACUEES
NAGLABAS ng panuntunan ang Archdiocese of Lipa para sa mga parokya na muling tumanggap ng mga evacuees matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang taal. Batay sa inilabas ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC, hinikayat nito ang mga parokya na maglaan ng silid para mga pamilyang posibleng mapalikas. […]