‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic.
Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions.
Sa isinagawang Senate committee hearing on Sustainable Development Goals, bukod pa sa mga nabanggit na problema ay maaari ring tanggalin ang mga part-time at non-regular faculty members.
Nababahala rin umano si Darilag kung papaano mapapanatiling konektado ang guro at kaniyang mga estudyante upang makapag-aral maging ang gagastusin para mapanatili ito.
Malaking adjustment din para sa magkabilang-panig ang biglang transition sa flexible learning modalities tulad ng technology-mediated at blended learning.
Hindi raw kasi kasama sa pondo ng CHED ang kahit anong capital outlay at hindi rin maisasama sa kanilang request ang pagbili ng mga ICT-related outlay maging ang mga learning equipment tulad ng Brightspace o Blackboard.
Dahil dito ay umapela si Darilag sa Senado na tulungan ang ahensya na matugunan ang kinakailangang financial requirement.
Una nang kinumpirma ni President Rodrigo Duterte na inatasan nito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) at CHEd para sa pamimigay ng libreng WiFi sa mga eskwelahan. (Daris Jose)
-
PNP napagkalooban ng P3B halaga ng kagamitan
IPINAGKALOOB sa Philippine National Police ang nasa P3 bilyong kagamitan katulad ng helicopter, truck, armas at bomb equipment kahapon, Lunes. Kabilang na rito ang dalawang single-engine turbine choppers na nagkakahalaga ng P225 milyon mula Airbus; 31 units ng troop carriers na nagkakahalaga ng P3.1 milyon;12 units ng pick-up vehicles na tinatayang nasa P1.6 milyon; […]
-
7 dinala sa hospital dahil sa ammonia leak sa Navotas
NASA pitong katao ang isinugod sa hospital habang napilitang lumabas ng kanilang bahay para lumikas ang mga residente sa gitna ng malakas na ulan kasunod ng pagtagas ng ammonia sa planta ng yelo sa Navotas City, Martes ng madaling araw. Nakatanggap din ng report ang Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office […]
-
Ads November 14, 2022