Matandang binata, kulong sa pananapak sa bebot sa Malabon
- Published on February 2, 2025
- by Peoples Balita
BINITBIT sa selda ang 44-anyos na matandang binata nang sapakin ang babaing serbidora nang walang pumatol sa kanyang pagwawala at paghahamon ng away sa Malabon City.
Kahit nasa loob na ng barangay hall ng Brgy. Tonsuya, hindi pa rin natigil ang pagwawala ng suspek na si alyas “Gilbert” matapos siyang imbitahan ng mga nagrespondeng barangay tanod kaya pinosasan na siya ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na hiningan ng tulong ng mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Col. Baybayan, dakong alas-5:50 ng madaling araw, nagwawala at naghahamon ng away ang suspek sa tapat ng kanyang bahay sa Block 3 Kadima, Brgy. Tonsuya subalit, walang pumapatok sa kanya.
Dito, napagbalingan ng galit ng suspek ang 24-anyos na serbidora sa isang komedor na si alyas “Angelica” na naglalakad ng pauwi.
Biglang hinila ng suspek sa buhok ang biktima sabay inundayan ng sapak sa ulo na naging dahilan upang pagtamo ang bebot ng sugat.
Sinabi ni Col. Baybayan na sasampahan nila ng kasong physical injuries at alarm and scandal ang suspek batay sa reklamo ng biktima sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Mr. Football, Ms. Golf sa PSA award
MAY dalawa pang magagaling na atleta sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang special awardee sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa papasok na buwan. Igagawad kay Schrock ang ng Mr. Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf sa SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng […]
-
Ads October 12, 2020
-
2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL
NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko” makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15. Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]