• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS

Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019.  Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, matapos tumama ang Corona Virus Disease-2019 sa bansa at sa mahigit 200 pang lugar sa mundo, inasahan na diumano ang mataas na bilang na ito.

Pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa sa transportasyon, construction industry, turismo, private education, entertainment, arts and culture, fashion and beauty, health and wellness, services sector, electronics at maging ang ating Overseas Filipino Workers.

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon area, tanging mga manggagawa lamang sa manufacturing na may kinalaman sa pagkain, gamot, at ilang essentials ang pinayagang makapasok sa trabaho,limitadong bilang sa ospital, tanggapan ng pamahalaan at food and beverage.

Ang tinatawag na digital economy lamang ang buhay na buhay na industriya.

Bumagsak naman sa 55.6% ang labor force participation rate mula sa 61.5% noong December 2019.

Ang mataas na bilang ng mga walang trabaho ay sanhi ng pagsasara ng ekonomiya ng bansa dahl sa panganib na dala ng COVID-19 sa kalusugan..

Sa plano ng Department of Education na internet-based education, kakailanganin ang mga Teacher Assistant na puwedeng makatulong sa mga guro na mag-monitor ng mga estudyante sa bawat barangay linggo-linggo.
Kilala naman tayong mga Filipino na matatag at matibay kaya naman mabilis tayong makababangon mula sa pandemyang ito

Other News
  • QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!

    DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020!   Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM.   According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]

  • Pamumuhay ng ilang Filipino lumala sa nakalipas na 12-mos. – SWS survey

    TATLO  umano sa 10 mga Filipino adults ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.     Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).     Isinagawa ang nasabing survey mula Abril 19 hanggang April 27, 2022 kung saan tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ano ang estado […]

  • Kaya naghahanda sa kanyang future plans: RAYVER, nakikitang si JULIE ANNE na ang makakasama habang-buhay

    MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer.   Guests nga ni King of Talk Boy Abunda sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Isang two-in-one Fast Talk ang nangyari na kung saan salitan silang sumagot sa mga tanong tungkol sa isa’t-isa.   Isa sa […]