Dahil hindi nakumpleto ang hinihingi ng MTRCB: ‘Pepsi Paloma’ movie ni Direk DARRYL, ‘di tuloy ang showing sa mga sinehan
- Published on February 5, 2025
- by Peoples Balita

Inihayag ito mismo ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account kasama art card ng mukha ng sexy star na si Pepsi Paloma na may caption na…
“Natanggal man ang tansan, nananatili ang iyon ispirito.”
Sa statement ng kontrobersyal na direktor, “Ipinaabot ko po sa lahat ng nakasubaybay na bigo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB.
“Kaya’t imposible pong maipalabas sa mga sinehan ang ating Pelikula sa February 5.
“Pinag-iisipan na rin ang posibilidad na maunang maipalabas ito sa labas ng bansa o ipagpaliban na ang pagpapalabas sa sinehan at magpokus na lamang sa streaming platforms.
“Kung anu’t anuman ay agad itong malalaman ng publiko.
“Maraming Salamat po.”
Wala na raw available na playdate ang Pebrero at Marso sa mga sinehan dito sa Pilipinas ayon pa sa direktor.
“Puno na rin kasi ang February at March, pero makakahanap lang kami ng available screening dates once ok na ang hinihinging karagdagang documents. Salamat!” sabi ng direktor.
Kaya sa malamang na mauna talaga maipalabas ang ‘Pepsi Paloma sa ibang bansa at sa streaming platforms. (ROHN ROMULO)
Other News
-
Ads June 11, 2022
-
Taas pasahe, nakaamba sa Setyembre
MAY nakaambang panibagong pagtataas sa singil sa pasahe sa darating na Setyembre. Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Cheloy Garafil, maaaring ilabas nila ang desisyon sa susunod na buwan. Anya may nakabinbin pang petisyon ang UV express vehicle sa singil sa pasahe bukod pa sa naunang inihain […]
-
Ads August 4, 2022