TNT pasok na rin sa semis matapos talunin ang Eastern 109-93
- Published on February 8, 2025
- by Peoples Balita
PINAUWI na ng TNT Tropang Giga ang guest team na Eastern Hong Kong 109-93.
Dahil sa panalo ay nag-martsa na ang TNT sa semifinals ng PBA Commissioners cup sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Rondae Hollis-Jefferson ang Tropang Giga na mayroong 31 points, 15 rebounds, apat na assists at tatlong steals.
Habang mayroong 18 points, apat na rebounds si Rey Nambatac at 15 points naman si Poy Erram.
Nagtabla pa sa 70-all ang laro sa third quarter hanggang tuluyang nakaabanse ang TNT at nakuha ang kalamangan.
Hindi naman umubra ang 24 points ni Hayden Blankley at 16 points, walong rebounds naman ni Cameron Clark para sa Eastern.
-
Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon. Sa isang simpleng programa, sinabi […]
-
Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami
Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala. Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala. NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120. Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]
-
Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na
MATAPOS ang anim na buwan na rehabilitasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes. Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa […]