• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Strength talaga ng GMA ang comedy at game shows: MICHAEL V. at DINGDONG, nagbahagi ng kahulugan sa kanila ng ‘More Tawa, More Saya’

NGAYONG 2025, patuloy na nagdadala ng walang limitasyong tawanan at saya ang GMA Network sa mga manonood sa pamamagitan ng award-winning at top-rating comedy at game show nito.
Inilunsad kamakailan ng GMA Entertainment Group’s Comedy, Infotainment, Game, at Reality Productions ang campaign na “More Tawa, More Saya”.
Ang isang pangunahing highlight ng kampanya ay ang paglabas ng isang orihinal na kanta na may parehong pamagat, na isinulat at inayos ng comedic genius na si Michael V. at Aunorable Productions.
Noong Lunes (Pebrero 10), ibinahagi rin ng GMA ang isang mini-documentary, “YouLOL Originals presents: The making of More Tawa, More Saya.”  Sa video, ibinahagi ng mga Kapuso stars at personalidad kung ano ang ibig sabihin ng kampanyang ito.
Ayon kay Michael V., “Ito ‘yung dalawang bagay na pwede mong i-share na hindi kailangan ng pera o materyal na bagay.  Pwede mong i-share ang tawa at saya sa mga kaibigan at pamilya mo, pati na rin sa mga kababayan mo.”
Ipinagdiriwang din ng kampanya ang mga milestone ng Network.
Dagdag pa ni Bitoy, “Parang nag-align ‘yung stars eh.  75th anniversary ng GMA, 30th anniversary ng Bubble Gang, tapos 15th anniversary ng Pepito Manaloto.  Pinaghahandaan na ng Bubble Gang ang isang malaking celebration at sa Pepito Manaloto naman, magkakaroon ng extension ang buhay ng mga character sa show kaya kaabang-abang ‘yan.”
Samantala, excited na ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ikatlong anibersaryo ng “Family Feud.”
Pahayag ni Dingdong, “Talagang more tawa, more saya sa Family Feud lalo na kapag may kasama tayong nanonood sa bahay, nakikipagkulitan tayo at nagpapagalingan tayo kung sino ang tamang sagot.”
Ang “The Boobay and Tekla Show,” sa kabilang banda, ay nasa ika-7 taon na ngayon sa isang espesyal na buwanang pagdiriwang ng anibersaryo ngayong Pebrero.
Sabi ni Tekla, “Napakapalad namin ni Boobay, hindi namin akalain na magiging ganito kalaki at tatagal ang TBATS.”
Sey naman ni Bobay, “Pinakahinihintay talaga nila ang magiging guests namin, kaya lalo nilang dapat abangan ‘yan sa aming celebration this month.”
Higit pa rito, ipinapaalala ng Creative Director Caesar Cosme sa audience na narito ang GMA comedy at game show para magbigay ng entertainment sa mga panahong ito.
Lahad pa niya, “Strength talaga ng GMA ang comedy at reminder ito sa mga tao na kalimutan muna ang mga problema, tawanan lang natin, at malalagpasan din natin kung ano man ‘yan.”
Panoorin ang mini-documentary na “More Tawa, More Saya” sa YouLOL’s Facebook, YouTube, at TikTok accounts at sa social media platforms ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, at The Boobay and Tekla Show. (ROHN ROMULO)
Other News
  • Hanoi SEA Games papayagan ang mga audience na manonood sa mga laro

    PAPAYAGAN na ang mga audience na manood ng iba’t-ibang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kinumpirma ito ni Philippine delegation chief of mission Ramon Fernandez matapos ang ginawa nilang final meeting bago ang pagbubukas ng biennial games sa Mayo 12.     Dagdag pa nito na papayagan ang mga tao […]

  • New trailer for “Furiosa: A Mad Max Saga” Arrives, starring Anya Taylor-Joy and Chris Hemsworth

    SHE will return with a vengeance. Anya Taylor-Joy plays the titular role in Furiosa: A Mad Max Saga, directed and written by Academy Award-winning visionary George Miller. The highly anticipated action adventure goes back to the iconic dystopian world of the Mad Max films, created more than 30 years ago by Miller. “Furiosa: A Mad […]

  • Unang BANGON BULACAN! Online Song Writing Competition para sa Singkaban Festival, ginanap sa Bulacan

    Idinaos ng lalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ng programang “Kaisa sa Sining” ng Cultural Center of the Philippines ang Unang Bangon Bulacan! Online Song Writing Competition, Linggo ng hapon, bilang bahagi ng mga programa sa ilalim ng Sining at Kalinangan ng Bulacan (Singkaban) Festival na humihikayat sa lahat na ipakita ang kanilang mga talento sa […]