• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang BANGON BULACAN! Online Song Writing Competition para sa Singkaban Festival, ginanap sa Bulacan

Idinaos ng lalawigan ng Bulacan sa pakikipagtulungan ng programang “Kaisa sa Sining” ng Cultural Center of the Philippines ang Unang Bangon Bulacan! Online Song Writing Competition, Linggo ng hapon, bilang bahagi ng mga programa sa ilalim ng Sining at Kalinangan ng Bulacan (Singkaban) Festival na humihikayat sa lahat na ipakita ang kanilang mga talento sa musika at pagsusulat ng awit tungkol sa mga natatanging ugali ng mga Bulakenyo sa gitna ng pandemya.

 

“Singkaban is not cancelled due to pandemic, only now it is being celebrated on a different platform as part of the new normal. Patuloy nating ipinagmamalaki ang ating sining at kultura bagaman hindi tayo nagtitipon, magkakasama pa rin tayo sa diwa at kahit dito muna sa social media. Samahan n’yo kami na patuloy na linangin ang husay at galing ng mga Bulakenyo,” ani Gob. Daniel R. Fernando.

 

Sinabi ni Dr. Eliseo dela Cruz, pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, na bukas ang patimpalak sa lahat ng mga Bulakenyo na walang kontrata sa anumang music label companies.

 

Ayon pa sa pinuno ng kalihiman, may 43 ang nagsumite ng obra sa kanilang tanggapan kung saan 15 ang napiling maging opisyal na lahok kung saan ang mga pinili ay naayon sa mga sumusunod na batayan: 40% Lyrics /Impact of the Message, 20% Musicality, 20% Originality, Creativity, Concept, Content of the Video, 10% Voice Quality/ Intonation, at 10% Over-all Impact.

 

Naiuwi ni Mark Angelo Homer mula sa bayan ng Bulakan na composer at lyricist ng “Kaya Natin” ang P20,000 an perang insentibo at tropeo; pumangalawa si Michael Fresnoza mula sa Guiguinto na composer at lyricist ng “Bangon! Sulong! Bulakenyo” na tumanggap ng P15,000 at tropeo; pumangatlo si Era Velnan mula sa Calumpit at composer at lyricist ng “Sa Puso Mong Alay” na nag-uwi ng P10,000 at tropeo; pang-apat si Hipolito Martin mula sa Hagonoy at composer at lyricist ng “Naghihintay na Bukas” na tumanggap ng P7,000 at tropeo; pang lima si Irene Ladino mula sa Lungsod ng San Jose del Monte, composer at lyricist ng “Liwanag ng Tagumpay” at nag-uwi ng P5,000 at tropeo. Lahat sila ay tumanggap ng gift certificates mula sa Eurobake, Café Eurobake at Konsepto Lokal.

 

Bukod dito, itinanghal sina Johan Salazar mula sa Bustos, composer ng “Bayang Matatag” bilang People’s Choice Award; Hipolito Martin mula sa Hagonoy, composer, lyricist at interpreter ng “Naghihintay na Bukas” bilang Best Bangon Bulacan Video; at Sound of Era Band mula sa Calumpit bilang Best Interpreter at lahat sila ay nag-uwi ng P1,000 perang insentibo, sertipiko at gift packs mula sa Mama Sita habang ang mga hindi pinalad na magwagi tumanggap naman ng tig-P2,000 bilang konsolasyon.

 

Dagdag pa rito, lahat ng 15 kalahok ay binigyan din ng token ni Fernando.

 

Inamin ng kampeyon na hindi nya inaasahan ang pagkapanalo at nagpasalamat sa lahat ng naniwala at sumuporta sa kanya.

 

“Salamat sa lahat ng sumuporta sa ‘kin, di ko man kayo maisa-isa pero salamat,” maluha-luhang saad ni Homer.

 

Samantala, sinabi naman ni Carmencita Bernardo, Department Manager ng CCP Cultural Exchange Department na siyang gumastos sa gawain, na masaya silang maging bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2020.

 

“Sa pamamagitan ng inyong mga awit at himig, nawa’y makapagbigay ito ng inspirasyon sa mga mamamayan na higit na magmalasakit sa kapwa, makapagdulot ng saya, magbigay ng kapayapaan sa puso. Patuloy po sana tayong lumikha ng mga obra at pamana ng lahi para sa susunod pang henerasyon,” ani Bernardo.

 

Naging posible ang nasabing gawain dahil sa suporta ng mga isponsor kabilang ang Mama Sita Foundation, Konsepto Lokal, Eurobake, Café Eurobake, 13 Siblings, Ribbon Arc Motor Sport, at Karatig Film Circle Production. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Serena Williams bumagsak ang ranking sa WTA

    BUMAGSAK ang rankings ni US tennis star Serena Wiliams sa WTA rankings.     Base sa inilabas na WTA rankings ay nasa pang-59 na puwesto ang 40-anyos na si Williams.     Ito ang unang pagkakataon mula noong 2006 na hindi nakasama sa top 50 ang US tennis star.     Nasa unang puwesto si […]

  • Bond Is Back In An Action-packed 30-second New Trailer of ‘No Time to Die’

    UNIVERSAL Pictures just released a new trailer of No Time to Die the 25th installment of the legendary franchise.     After multiple delays, fans worldwide will once again see Daniel Craig wield his fancy gadgets and burn rubber in the latest adventure of James Bond. This is Craig’s fifth and final turn as fictional […]

  • Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

    NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.     Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]