Bilang ng Pinoy na ‘very happy’ sa kanilang love life kumonti — SWS
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
BUMABA sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang naturang percentage ay may 12 points na mababa mula sa 58 percent noong December 2023.
Ang 46 percent ay pinakamababa sa loob ng 20 taon mula noong 2004.
Nasa 36 percent naman ang naniniwala na magiging masaya sa kanilang relasyon habang 18% ang nagsabing wala silang love life.
Kumpara sa 2023 figures, masaya sa kanilang love life ay pareho lamang sa mga babae at lalaki laluna sa mga lalaki na may live-in partners.
Karamihan din sa mga Pinoy ay naipapakita ang kanilang pagmamahal tulad ng pagluluto ng pagkain, pagtulong sa gawaing bahay o pag-aayos ng mga bagay sa loob ng bahay nang may pagkukusa.
Ang paglalaan ng oras at panahon ang pinaka-ikalawang common sa love languages sa hanay ng mga Pinoy na 51 percent.
May 29% ang pagbibigay ng regalo ang nagpapakita ng pagmamahal at 33% ang physical touch.
Nasa 10% ang nagsabing mas matimbang ang pera kaysa Love at companionship.
Ang non-commissioned SWS survey ay ginawa face-to-face interviews sa 2,160 adults na may edad 18-anyos pataas.
-
“MALIGNANT” EXPLORES HORROR ROOTS IN TWO NEW FEATURETTES
WARNER Bros. Philippines has just released two featurettes of its new horror-thriller “Malignant” that highlight the film’s horror roots. Check-out the videos below and watch “Malignant” only in Philippine cinemas starting November 24. Horror Roots Featurette: https://youtu.be/QYvjzuXzez8 It’s All in Our Head Featurette: https://youtu.be/aCrTlOgWf28 About “Malignant” “Malignant” is […]
-
P1.7 bilyong shabu sa tea bag nakumpiska, 2 Chinese tiklo
NAKAKUMPISKA ng 260 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa tea packs at nagkakahalaga ng kabuuang P1.768 bilyon, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa dalawang sabayang buy-bust operation sa Quezon City at Cavite kahapon. Batay sa ulat ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, […]
-
Will Navarro nagtala ng career-high ng talunin ang NorthPort ang Converge 112-97
Hindi pinaporma ng NorthPort BatangPier ang Converge FiberXers 112-97 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araeta Coliseum. Bumida sa panalo ng NorthPort si William Navarro na nagtala ng 29 points, 17 rebounds at siyam na assists. Nagdagdag naman ng 26 points at 10 assists si Robert Bollick habang […]