PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine.
“Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, malinaw po ang kanyang misyon ‘no – ito po ay to protect the President of the Republic of the Philippines and his immediate family,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Aniya, nagkaroon ng desisyon ang PSG na sa panahon ng pandemya eh isa sa malaking banta sa kalusugan ng Pangulo ay kung mahahawa siya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ito nga aniya ay ang PSG.
“So nagdesisyon sila maski wala pa pong authorization na magpabakuna. In other words po, dahil handa naman silang mamatay para sa Presidente eh pumayag na rin sila na magpasaksak dahil sa kanilang pagnanais na huwag sanang mahawaan ang ating Presidente,” ani Sec. Roque.
“Ang mensahe po nila ay malinaw: magpapakamatay po sila sa Presidente, para sa Presidente para bigyan siya ng proteksiyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, ang sambayanang Pilipino naman aniya at si Pangulong Duterte ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang Pangulo. (Daris Jose)
-
SWP tumubo lang na parang kabute
ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP). May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa […]
-
Upcoming series, may titulong ‘The Write One’: BIANCA, pinakilig ang mga fans nila ni RURU sa kanyang mga rebelasyon
Kasama nila sina Michelle, Arra, Rochelle at Kylie… SANYA at GABBI, sumabak na sa matinding ensanyo para sa isang action-packed series PINAKILIG ni Bianca Umali ang mga fans nila ni Ruru Madrid nang ipaalam niya ang upcoming teleserye nila para sa GMA Public Affairs na may titulong ‘The Write One’. Sa […]
-
THE BEST IN THE REGION
THE BEST IN THE REGION. Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced […]