SWP tumubo lang na parang kabute
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI)
At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).
May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa social merdia at sa ilang sa ilang stakeholders na nakakausap ng OD. Bukod sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila, sa PhilSports Complex sa Pasig City bago pa magpandmya o COVID-19 nitong Marso.
Napapadaan-daan po madalas ang OD sa RMSC. Paminsan-minsan kada linggo PhilSports nang wala pang lockdown.
May ilang mga nagsasabing nabaon sa utang sa Securities and Exchange Commission (SEC) na hindi na binayaran ng sinuman sa mga opisyal ng PWAI, mga nahalal noong 2014 at napaso ang mga termino sa taong 2018.
Sila ay sina Mark Rommel K. Alino (chairman), Roger Dullano (president), Elbert Atilano (vice president), Dioscoro H. Himotas (secretary general), Felix Tiukinhoy (treasurer), Paquito ‘Kit’ Mortera (auditor) at Rodrigo M. Roque (public relations officer).
Ang iba pang mga kuwento-kuwento hinggil sa sport, derekta pa dati ang pinansiyal na suporta nila sa mga weightlifter gaya ni 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, at iba pa.
Bago na lang nalipat o binigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa SWP ni Monico ‘Nyoks’ Puentevella.
Umaaray naman ang mga nagmamahal sa sport sa hakbang ng ng PSC na kilalanin si Puentevella, na anila’y mag-isang nagtayo ng SWP at pinalilitaw sa Phil. Olympic Committee (POC) na siya ang bagong lider ng national sport governing body .
Bukas po ang pitak na ito para sa inyong panig dating Bacolod City Mayor at Congressman Puentevella.
-
Comelec, aprubado na ang pamimigay ng LTFRB ng fuel subsidies sa mga drivers at operators
PINAHIHINTULUTAN na ng Commission on Election ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) na ipagpatuloy ang pagpapalabas ng fuel subsidies para sa mga apektadong drivers at operators bunsod ng mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Nauna nang nagsumite ng aplikasyon ang LTFRB para sa exemption mula sa Comelec […]
-
Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift
PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din. Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn. Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? […]
-
Huling Comelec presidential, VP debates hindi na itutuloy
HINDI NA matutuloy ang huling PiliPinas Forum 2022 na inihanda ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming conflicts sa schedule ng mga presidential at vice presidential candidates dulot ng unang postponement ng mga debate na nakatakda sana noong weekend. Biyernes lang nang sabihin nina presidential at VP candidate Sen. Panfilo Lacson at […]