• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL

ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kotra kay Arvin Amion alyas Daga, 25 sa kanyang bahay sa Phase 6, Brgy. 178, Camarin Road.

 

 

Nang tanggapin ni Amion ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong piraso ng P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, alas-2:45 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano sa buy-bust operation sa Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan, Malabon city si Eduardo Sanchez, 47, (pusher/listed), Nicolo Felongco, 36, (pusher/listed), grab driver, Leo Ponce, 42, at Marlon Sarmiento, 37, (user/listed).

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, isang cal. 45 psitol na may magazine na kargado ng 3 bala at marked money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 16 piraso ng P500 boodle money. (Richard Mesa)

Other News
  • DFA naghain ng dalawang bagong diplomatic protest vs China

    Dalawang panibagong diplomatic protest ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos na mataan ang 160 Chinese vessels sa karagtang sakop ng Pilipinas.     Sa isang diplomatic note na may petsang Abril 21, sinabi ng DFA na ang presensya ng mga barkong ito sa West Philippine Sea ay hayagang pagtapak […]

  • PAGSASARA SA MGA SHOPPING MALLS, PINAG-AARALAN PA

    WALA pang plano  ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod.

  • SAAN NAPUPUNTA ang MULTANG IBINABAYAD sa mga NCAP VIOLATIONS ng LGUs?

    NANAWAGAN si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na “now that the Supreme Court has issued a TRO against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them”.     Marahil ay ang Korte Suprema ang makasasagot nyan kapag naglabas na ito ng hatol.  Sa ngayon ay malaking […]