SWAB TEST MUNA BAGO BUMALIK SA TRABAHO
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
Sumailalim muna sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bago bumalik sa kanilang trabaho.
“Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety and the safety of those they come in contact with while working,” ani Mayor Toby Tiangco.
Lahat ng empleyado, kabilang ang mga opisyal ng lungsod ay naka-iskedyul para sa testing simula kahapon January 4-8.
Hindi sila kailangang dalhin sa quarantine o isolation kung hindi sila na tagged bilang close contacts ng COVID patients o hindi nagpapakita ng anumang symptoms ng sakit.
Noong June, ang mga nagtatrabaho sa Navotas city hall ay sumailalim din sa COVID-19 test.
Naglunsad din ito ng malaking community testing mula ng ipatupad ang city-wide lockdown noong July 16.
Bukod dito, nanawagan ang lungsod sa mga kompanya at informal workers na naka-base sa Navotas na sumailalim sa libreng COVID testing ng lungsod. (Richard Mesa)
-
Konstruksyon ng MRT 4 tumaas ng P28 billion
NAGPAHAYAG ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng karagdagan gastos ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 4 dahil sa pagbabago ng design at technology na gagamitin. Ang pamahalaan ay kinakailangan gumastos ng kabuuang P87 billion upang matapos ang civil works at ang pagbili ng systems at trains na gagamitin sa […]
-
Daniel Quizon, tinanghal bilang pinakabagong chess GM
TINANGHAL bilang pinakabagong Chess Grand Master ng bansa ang 20-anyos na binata mula sa Cavite na si Daniel Quizon. Nakamit nito ang nasabing Grand Master rank ng maabot ng 2,500-rating barrier at matapos na talunin niya si Russian-born Monegasque GM Igor Efimov. Si Quizon ang pinakahuling Pinoy Grand Master kasunod nina Oliver Barbosa […]
-
9 arestado sa droga sa Navotas
Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City. Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia […]