• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paras puwede na sa PBA – Herrera

PARA kay AMA Online Education Titans coach Mark Herrera, handa na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’  Paras Jr. na si Andre Nicholas Paras.

 

 

Nagsumite ng aplikasyon nitong Disyembre 21 ang nakababatang Paras para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso 14.

 

 

May tatlong taon ng magkasama sina Herrera at 25 taong-gulang, 6-4 ang taas na basketbolista sa AMA makaraang maglaro rin ng huli sa University of the Philippines. Nakapag-PBA D-League (PBADL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na rin ang cager.

 

 

“Ready na ready na si Andre para sa PBA,” litanya ng basketball tactician kamakalawa.

 

 

Dinugtong pa ni Herrera na “almost all-around” player din ang foward.

“Solid na player si Andre at masuwerte ang makakakuha sa kanya,” panapos na sambit ni Herrera. (REC)

 

Other News
  • Abueva, nagpakitang gilas sa muling pagbabalik sa Phoenix, nilampaso ang NLEX 114-110

    BUMIDA si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110.   Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym.   Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing […]

  • NBA players na nabakunahan, nasa 95 % na

    Dumami pa ang bilang ng mga NBA players na naturukan na ng COVID-19 vaccines.     Ayon kay NBA executive director Michele Roberts na nasa halos 95 percent ng mga manlalaro na ang nakatanggap na ng kanilang first dose.     Ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna ay bunsod ng kautusan na limitado […]

  • LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant

    MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank)  ng P100,000 halaga ng taunang  scholarship grants sa  60  mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028.  Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng  60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang  P100,000  […]