Abueva, nagpakitang gilas sa muling pagbabalik sa Phoenix, nilampaso ang NLEX 114-110
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
BUMIDA si Calvin Abueva sa panalo ng Phoenix laban sa NLEX 114-110.
Nagtala ito ng 21 points, 13 rebounds at pitong assists para maitala ng Fuel Masters ang ikaapat na panalo sa anim na laro sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation gym.
Sinabi nito na pinaghandaan niya ang nasabing laro na itinuturing na unang laro matapos na tanggalin na ang suspension.
Bukod pa kay Abueva ay naging susi sa panalo ng Phoenix si Matthew Wright na mayroong 28 points habang mayroong 20 points at 13 rebounds si Jason Perkins.
Umabot pa sa 14 na kalamangan ng NLEX sa third quarter hanggang magtala ng 10- 0 run ang Phoenix.
-
Yulo bibigyang atensiyon ang mental health
Maliban sa physical training, nakasentro rin ang atensiyon ni world champion Carlos Edriel Yulo sa aspetong mental habang nasa puspusang paghahanda ito para sa Tokyo Oympics. Masaya ang 21-anyos gymnast na ginagabayan ito ni Japanese mentor Munehiro Kugimiya hindi lamang sa regular workout maging sa mental training. Isa sa mga ginagawa […]
-
2 tulak laglag sa Caloocan drug bust
NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at […]
-
Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel
PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin. Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea. […]