• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong 25-year ABS-CBN ‘franchise renewal bill’ inihain ni Sotto sa Senado

Halos walong buwan matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Kapamilya Network, isang bagong panukalang batas mula sa Senado ang naglalayong maibalik sa himpapawid ang ABS-CBN.

 

Ito ay matapos ihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III — na kilalang TV host sa karibal na GMA-7 — ang Senate Bill 1967, ngayong ika-4 ng Enero, Lunes.

 

“The bill seeks to renew the franchise of ABS-CBN Corporation granted under Republic Act No. 7966, which is set to expire in March 2020, to another twenty-five (25) years from the date of effectivity of this Act,” ayon sa panukala.

 

“ABS-CBN’s wide reach to Filipinos, alongside with the undeniable advantages of broadcast media relative to mass communication, definitely calls for the immediate renewal of the network’s franchise.”

 

Matatandaang nag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo, 2020 matapos bigong makapagpasa ng batas para mapanatili ito sa ere.

 

Tuluyang naibasura sa komite ng House of Representatives ang nasabing prangkisa noong ika-10 ng Hulyo, 2020 matapos bumoto ang nasa 70 mambabatas kontra rito, habang 11 lamang ang pumabor.

 

Dahil dito, libu-libong manggagawa ng ng istasyon ang nawalan ng trabaho sa pagkakawala ng ilang television at radio stations na affiliated sa ABS-CBN.

 

Bukod pa riyan, itinuturing din ito ng ilan bilang pag-atake sa malayang pamamahayag, bagay na naglilimita ngayon sa libreng impormasyon ng mga television viewers.

 

Ang ilan tuloy sa mga Kapamilya stars, nagsilipatan sa TV5 o ‘di kaya’y patuloy sa pagtratrabaho sa ABS-CBN shows na ipinalalabas sa A2Z Channel 11.

 

Marami sa ngayon ang hindi naaabot ng mass media information sa pamamagitan ng telebisyon, lalo na’t ABS-CBN lang ang nasasagap sa ilang liblib na lugar — bagay na naglalagay sa kanila sa peligro tuwing may kalamidad gaya ng bagyo.

 

“ABS-CBN is the Philippines’ largest entertainment and media network operating various platforms including domestic television, radio networks, worldwide OTT, and online platforms,” ayon kay Sotto.

 

“In September, ABS-CBN is still the top choice of viewers in the Philippines as its viewers nationwide prefer to catch relevant news and inspiring TV series on ABS-CBN as the network registered an average audience share of 45%, or 14 points higher than GMA’s 31%, based on the date from Kantar Media.”

 

Taong 2018 nang makaalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istasyon matapos aniya hindi maiere ang ilan niyang patalastas noong 2016 presidential elections, dahilan para sabihin niyang hindi niya ipare-renew ang prangkisa ng network kung siya ang masusunod.

 

Pebrero 2020 nang humingi ng tawad tungkol doon si ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, bagay na tinanggap naman na raw ni Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • Kinilala rin ang husay nina Dimples at Mon: NADINE at BARON, waging best actress at actor sa ‘39th Star Awards for Movies’

    MATAGUMPAY na isinagawa sa prestiyosong Winford Hotel and Casino ang ’39th Star Awards for Movies’ last Sunday.   Kung sa mga nakaraang Star Awards ang Airtime Marketing ni Madam Tess Celestino ang producer pero dito sa 39th Star Awards for Movies ay mismong ang PMPC ang producer.   At dito ay muling napatunayan ng club […]

  • PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

    Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.     Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]

  • Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

    Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive.         Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, […]