• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Late submission’: Ilang COVID-19 testing laboratories, sinuspinde – DOH

Isang laboratoryo na humahawak ng COVID-19 testing ang sinuspinde ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy umano nitong paglabag sa mandato na mag-submit ng mga datos sa itinakdang deadline ng ahensya.

 

Hindi pinangalanan ng ahensya ang pasilidad, pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na isa sa malalaking laboratoryo ang napatawan ng naturang parusa.

 

“We were able to suspend the license of one of big laboratories last December 29 (2020) because of its continuous non-compliant to our reportorial requirement,” ani Vergeire sa isang media forum.

 

“We will refer to our legal office muna, and if they say that we can, then we will be able to provide you (the name of the suspended laboratory).”

 

Bukod sa nasabing pasilidad, apat na laboratoryo pa raw ang nangangambang patawan ng suspensyon.

 

“Mayroon pang apat na ready for issuance kami ng suspension for these laboratories which are continuously non-compliant.”

 

Katuwang ng Health department ang local government units sa pagkalampag sa mga laboratoryo. Pero binigyang diin pa rin ng opisyal ang mga babala ng Inter-Agency Task Force sa maaaring kaharapin ng mga pasilidad na lalabag sa mandato ng kanilang mga lisensya.

 

Umapela si Usec. Vergeire sa mga laboratoryo na maging tapat sa kanilang tungkulin na mag-report ng mga datos ukol sa mga hinahawakang COVID-19 tests.

 

Sa mga nakalipas na buwan, laging nag-uulat ang DOH ng bilang ng mga laboratoryo na hindi nakakapag-submit ng report sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).

 

“Kahit tayo ay nasa pandemya, kung talagang hindi namin kayo mahihikayat na tumugon sa hiling ng ating gobyerno ay hindi rin namin kayo mapapayagan na magtuloy kayo ng operations because these are requirements for your license to be sustained.”

 

Inamin ng Health spokesperson na nagkaroon ng technical glitch kamakailan ang CDRS, pero hindi daw ito maituturing na dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga bagong kaso na inireport ng mga laboratoryo sa gitna ng holiday season.

 

“Sandali lang nagka-glitch, naayos naman agad. This did not affected our number so much. Ang nakaapekto talaga ay non-operational laboratories during the holiday and health seeking behaviour of individuals.”

 

“Now we expect yung normalcy babalik na at tayo ay makakakita na ng trend ng mga kaso as all labs will be operational today.”

 

Sa huling tala ng DOH, 154 na ang lisensyadong RT-PCR laboratories sa bansa. Habang 43 ang licensed GeneXpert laboratories. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis

    NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon.     Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range.   Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals […]

  • NCAA sasambulat sa June 13

    Matapos ang mahigit isang taon pagkakatengga, lalarga sa Hunyo 13 ang special edition Season 96 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).     Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa […]

  • ‘The Voice’ alumna, feel na feel ang Pasko sa ‘Pinas: RYAN, gusto maka-collab si SARAH after MARTIN and LEA

    NASA Pilipinas muli ang “The Voice” season 19 alumna na si Ryan Gallagher para sa promo ng kanyang kinompos na “The Feeling of Christmas” na nagkaroon ng world release last November at napapakinggan na sa mga music platforms tulad ng Spotify at Apple Music.     Magiging bahagi ito ng 16-track Christmas album na ire-release next […]