• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo babalik na sa Season 46

Lalong lalakas ang tsansa ng San Miguel Beer na mabawi ang korona sa Philippine Cup dahil magbabalik-aksyon na si six-time MVP June Mar Fajardo.

 

Nakakuha na ng clea­rance si Fajardo mula sa kanyang mga doktor para muling makapag-ensayo at makapaglaro sa susunod na season ng liga.

 

Kaya naman asahan ang mabangis na Beermen sa oras na muli itong tumuntong sa court sa pagbubukas ng PBA Season 46 sa Abril 9.

 

Sumailalim ang 6-foot-10 Cebuano sa ilang buwan na rehabilitasyon matapos magtamo ng leg injury habang nag-eensayo noong Pebrero 2020.

 

“We’re expecting him to play next conference or this season. Dr. George Canlas said may go signal na siya to play,” ani SMC sports director Alfrancis Chua sa prog­ramang The Chasedown.

 

Wala si Fajardo sa Clark bubble noong PBA Season 45 Philippine Cup.

 

Malaking kawalan ito na isa sa dahilan para mahubaran ng titulo ang Beermen na yumuko sa quarterfinals kontra sa Meralco.

 

Inaasahang madaragdagan pa ng puwersa ng Beermen sa susunod na season sa oras na makarekober si ace guard Terrence Romeo sa kanyang injury.

Isiniwalat ni Chua na malaki na rin ang improvement ni Romeo na nagpapagaling sa kanyang shoulder injury na inaasahang tuluyan nang gagaling sa oras na magbukas ang liga sa Abril 9.

Other News
  • Price ceiling sa bigas, desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko

    NANINIWALA ang Gabriela Women’s Party na ang ipinalabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos para sa pagtatalaga ng price ceilings sa bigas ay isa umanong desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko sa kabiguang maipatupad nito ang pangako noong kampanya na gawing P20 ang kada kilo ng bigas.     Ayon sa […]

  • Tennis star Simona Halep, patuloy na nagpapagaling matapos dapuan ng COVID-19

    NAGPAPAGALING na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus.   Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.   Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na.   […]

  • Maling paggamit ng confidential funds ni VP Sara sa OVP, DepEd umabot sa P612.5-M – Chua

    TINATAYANG umaabot sa P612.5 million ang kabuuang pondo sa ilalim ng confidential funds ang nagastos ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.     Nagpahayag ng pagkadismaya si Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa laki ng halaga na ginastos ng OVP at DepEd na […]