Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero
- Published on January 7, 2021
- by @peoplesbalita
Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.
“The bubble training that we are going to do will start this first week of January to really prepare for the Tokyo Olympics,” ani Fernandez sa programang Power and Play.
Matagal tagal nang hindi nakapag-ensayo ang mga atleta dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya’t kani-kanyang paraan ang mga ito para mapanatili ang magandang kundisyon.
Kaya naman malaki ang maitutulong ng bubble training upang magkaroon ng pormal na training at mga kagamitan para maibalik ang perpektong porma.
Ilang qualifying tournaments para sa Olympics ang nakalinya ngayong taon kung saan sasalang ang ilang boxers, karatekas at iba pang atletang magtatangkang humirit ng slot sa Tokyo Games.
Sa kasalukuyan, may apat na Pinoy pa lamang ang nakasisiguro ng tiket sa Tokyo Olympics — sina gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, at boxers Eumir Marcial at Irish Magno. Umaasa si Fernandez na madaragdagan pa ito.
-
Carrying capacity ng mga pampublikong sasakyan, tataasan; physical distancing measure sa mga pasahero, babawasan – IATF
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panukalang dagdagan ang ridership o mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas sa distansya ng mga pasahero. Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade, kailangan ng dagdagan ang carrying capacity ng mga public transport vehicles lalo na sa Metro Manila at […]
-
Price ceilings sa school supplies ipatupad
PINAKIKILOS ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito. Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies sa halip […]
-
Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate
KUMUHA ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue. Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan. Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]