• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela

Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos kontra kay Joel Casuple alyas Belok, 41, malapit sa kanyang bahay sa Purok Orosco St. Mapulang Lupa.

 

 

Nang tanggapin ni Casuple ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000.00 ang halaga, buy-bust money, P2,000 bills, at cellphone.

 

 

Dakong 9:30 naman ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU si Jovert Bugna, 33 ng Candido St. matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Cunanan St., Mapulang Lupa.

 

 

Ani SUDE investigator PSSg Carlito Nerit ,Jr., narekober sa suspek ang nasa P3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, marked money, cellphone at P400 bills.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) PBGen. Eliseo Cruz ang Valenzuela Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ortega dahil sa matagumpat na operasyon kontra sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • P12.4 B CRK terminal building nagkaron ng inagurasyon

    Nagkaron ng inagurasyon ang P12.4 state-of-the-art na terminal building ang Clark International Airport na ginanap noong nakaraang Sabado.     Ang nasabing bagong airport ay mayroon state-of-the-art features tulad ng contactless baggage handling at passenger check-ins and check-outs na siyang  kinatuwa ni President Duterte ng siya ay dumalo sa inagurasyon.     “We are thankful […]

  • TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO

    KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.   Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel  Madlangbayan, 16, sa […]

  • Tindero ng pares hinoldap, binaril

    Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi.   Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula […]