• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming nagulat kaya nag-trending ang balita: RS at SAM, tikom pa ang bibig sa pagpapaalam ng flagship products ng ‘Frontrow’

LIBU-libo ang nagulat sa opisyal na statement ng FRONTROW International sa socmed ngayon sa pag-anunsyo sa discontinuation ng flagship product niyo na Luxxe White.
Trending agad ang announcement sa social media lalo na at reinforced pa ito ng isang malaking “Paalam, Luxxe White” (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa rin ang mga bibig ng mga may-ari ng kumpanya — ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV) — kaya naman di talaga makapaniwala ang mga fans, loyal supporters, at industry insiders.
Wala pa ring nakaka-alam kung ano ang nag-udyok sa di inaasahang balita na ito at patuloy ang madaming spekulasyon business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang discontinuation ng Luxxe White. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, na-sustain ng Luxxe White ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t-ibang panig din ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid; Cha Eun-Woo; Gretchen Barretto; Jinkee Pacquiao; Sachzna; Cristine Reyes; Daniel Padilla; Miss Universe 2018 Catriona Gray; at Vice Ganda, sa mga nag-endorse ng life-changing benefits ng Luxxe White, kaya naman mas lalo pang tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.
Habang patuloy ang bulungan sa health and beauty industry, hindi pa rin binabasag nina RS at Sam ang kanilang katahimikan habang naghihintay ang publiko sa sagot sa tanong ng lahat: bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at konkretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?

(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Dahil na-deny ang apela sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’: Nagagalit kay MTRCB Chair LALA, mas lalong dumami

    MAS lalong marami ang nagagalit ngayon kay Chairwoman Lala Sotto ng MTRCB.     Ang dahilan, dahil sa ang naging decision pa rin ng MTRCB ay tuloy ang 12 airing days suspension ng It’s Showtime. At denied ang Motion for Reconsideration na hinain ng It’s Showtime.     Nakakausap namin si Chair Lala kaya alam […]

  • Dinagsa ng mga celebrity ang wake niya: JACLYN, binigyan ng tribute ng pamunuan ng ‘Cannes Film Festival’

    NAGBIGAY ng tribute o pagkilala ang pamunuan ng Cannes Film Festival sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.     Siya ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016 dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Ma’ Rosa’, na mula sa direksyon ni […]

  • Call center agent tumalon mula sa 3rd floor ng bahay, patay

    NASAWI ang 22-anyos na dalagang call center agent matapos umanong tumalon mula sa bubong ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San […]