• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.

 

Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.

 

Ang passenger flights mula Manila papuntang Riyadh at Dammam ay nahinto mula Dec. 21 hanggang Jan. 3, subalit ang mga passenger flights na galing sa Saudi Arabia ay nanatiling operational ng nasabing panahon.

 

“From Dec. 21, 2020 to Jan. 3, we operated cargo flights. The return to Manila carried passengers,” ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

 

Pinahayag ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang muling pagbubukas ng kanilang international flights matapos ang suspension noong nakaraang Dec. 21, 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng bagong COVID-19 strain.

 

Sinabi ng PAL na pagdating ng mga pasahero sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA), lahat ng hindi Saudi citizens na may edad ng mula walong (8) at pataas  ay kinakailangan na magbigay ng negative RT-PCR test result mula sa mga accredited laboratory ng kanilang bansang pinanggalingan.

 

Ang nasabing resulta ay dapat ginawa sa loob ng 72 na oras bago ang departure papuntang Saudi Arabia.

 

Dagdag pa ng PAL na dapat ang mga pasahero ay magkaron ng 7-day home quarantine simula sa pagdating nila sa KSA.

 

“As for the non-Saudi citizens who had been in any country identified as having the new COVID variant strain, they must spend no less than 14 days in another country (such as the Philippines) before entering KSA,” sabi ni Villaluna.

 

Ang mga Saudi nationals at ang may mga humanitarian at urgent cases ay exempted sa nasabing requirement, subalit kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day home quarantine sa kanilang pagdating sa KSA.

 

Mayroon daily flights ang PAL mula Manila at vice versa at may passenger flights sa pagitan ng Manila at Dammam tuwing Lunes, Martes, Huwebes, Biyernes, at Sabado.

 

Sa kasalukuyan, ang PAL ay hindi tumatangap ng foreign na pasahero mula Hong Kong, Japan, Singapore, Canada at US sa ilalim ng pinatutupad na restrictions.

 

Nagkansela rin ang PAL ng kanilang flights mula/papuntang London hanggang katapusan ng Feb dahil sa mahigpit na restrictions ng pamahalaan ng United Kingdlom. (LASACMAR)

Other News
  • TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES

    NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate  bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).     Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024  alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na  sumasakop sa lahat ng […]

  • DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols

    NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit  ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.   Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging […]

  • Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA

    PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.     Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]