• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, itinangging hindi binigyan ng medical attention si Digong Duterte

BINIGYAN ng medical attention si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kasunod ng pag-aresto sa kanya para sa kanyang kasong crimes against humanity.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press conference sa Malakanyang, na tinrato si Digong Duterte bilang isang dating Pangulo ng bansa at isang mamamayang Filipino.

 

”Hindi po ‘yan totoo dahil nu’ng panahon po na siya po ay nasa kustodiya na po, ang pagtrato po sa kanya ay ‘di po basta-basta,” ang sinabi ni Castro.

 

 

”Wala pong katotohanan na ‘di siya binigyan ng atensyon,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, sinabi ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Kitty Duterte na hindi umano pinahintulutan ng awtoridad ang kanyang ama na sumailalim sa medical procedure na kailangan nito.

Sa Instagram story ni Kitty nitong Martes ng hapon, Marso 11, makikita ang sulat ng doktor ng dating Pangulo.

 

 

“We are being illegally detained at 250th Presidential Airlift Wing Col. Jesus Villamor Air Base Pasay City. They aren’t allowing my dad to seek the medical attention he badly needs,” ang sinabi ng presidential daughter. (Daris Jose)

Other News
  • P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

    SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.     Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”     Ang punong […]

  • BARBIE, itinuturing na ‘lucky charm’ ang boyfriend na si JAK

    NAGPASALAMAT si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinuturing niyang lucky charm ang actor.      Sa interview ni Barbie sa 24 Oras, inihayag niyang simula nang maging sila ni Jak three years ago, nagkasunud-sunod na raw ang kanyang mga projects.     “Tulad po ngayon na magtatapos pa […]

  • LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año

    MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.   Tinukoy nito ang nasa […]