Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates.
Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa kasalukuyan, sa palagay ni Del Rosario, mapapasabak nang husto ang magdedepensa ng World Boxing Association (WBA) super welterweight champion na Pinoy ring icon sa two-division Ultimate Fighting Championship UFC king at Irish mixed martial artist-boxer.
“Senator always delivers an exciting fight every time he steps in the ring. McGregor is a UFC champion and also a good striker so I think it will be an exciting fight,” wika nitong Lunes ni Del Rosario, dinugtong na na masisiyahan sigurado ang mga Pinoy sa bakbakan.
Ayon naman sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) president na si Aguilar, at siyang founder ng Universal Reality Combat Championships (URCC), na radar ng 42-anyos na si Pacquiao ,na ang laban ay ‘di lang para sa kanya kundi sa mga Pinoy sa lahat ng panig ng daigdig. (REC)
-
Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 2.76M – PSA
NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito. Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic. Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang […]
-
Nakipagbarilan, drug suspect todas sa Malabon buy bust
Todas ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39 ng 41 Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog na hindi na umabot ng buhay […]
-
4 huli sa droga at sugal sa Valenzuela
ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagsusugal at masita sa paglabag sa ordinansa kung saan dalawa sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City. Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono ang Police Sub-Station 4 hinggil sa […]