• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Animam iba’t iba ang naramdaman

NAGSADYA na nitong Huwebes si Gilas Pilipinas women member Jack Danielle Animam sa Taiwan para maglarong basketbol bilang reinforcement.

 

Nitong Miyerkoles ng gabi napasakamay ng 21-year-old, 6- foot-5 center ang kanyang Taiwanese visa para maging import sa Shih Hsin University na lumalahok sa Taiwan’s Univer- sity Basketball Association.

 

“Mixed emotions — masaya, excited, malungkot, at kinakabahan,” pahayag ng dalagang basketbolista na double gold medal winner sa 30th Southeast Asian PH 2019 at nagkampeon sa 2016 Southeast Asian Basket- ball Association o SEABA Championship for Men. “Pero mas nangingibabaw ‘yung excitement.” (REC)

Other News
  • Robredo hanga sa resignation ni Magalong

    Hinangaan ni Vice President Leni Robredo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa irrevocable resignation na inihain nito bilang contact tracing czar kasunod nang kanyang pagdalo sa isang party kung saan hindi nasunod ang COVID-19 protocols.     Sinabi ni Robredo na “napakahusay nang pag-ako ng accountability” ni Magalong na dapat pamarisan nilang mga […]

  • PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

    MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]

  • DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

    Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.     Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., […]