• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNR may mga bagong train

Dumating mula Indonesia ang mga bagong train sets ng Philippine National Railways (PNR) na siyang kahuling batch sa ilalim ng fleet modernization program ng PNR.

 

Natangap ng PNR ang mga bagong train sets na may 15 passenger coaches at tatlong (3) locomotives sa ilalim ng refleeting strategy.

 

Kumpleto na ang delivery ng lahat ng 37 cars at tatlong (3) locomotives na binili pa noong 2018.

 

“The re-fleeting project will increase PNR capacity to carry passengers with capacity of 1,250 per set per trip, with a maximum design speed of 120 kilometer per hour,” wika ng PNR.

 

Ang unang batch ng diesel multiple unit (DMU) trains ay ginawa ng PT Industri Kereta Api ay dumating noong nakaraang taon at sinimulan itong gamitin noong December 2020.

 

Noong nakaraang February naman, two (2) train sets na galing din sa Indonesia ang dumating sa bansa na ginagamit na upang magbigay ng serbisyo sa mga pasahero subalit nahinto dahil sa enhanced community quarantine.

 

Ang mga bagong train sets ay kasama sa PNR’s 2018 train procurement program na naglalayon na baguhin at pagandahin ang serbisyo ng rail system sa bansa.

 

Inaasahan na ang bagong dating na mga trains ay uumpisan ang commercial service pagkatapos na sumailalim ang mga ito sa reliability, availability, maintainability at safety validation.

 

Kapag lahat ng biniling bagong trains ay naging operational na, ang PNR ay inaasahang magkakaron ng may 140,000 na pasahero kada araw na siyang doble pa sa kasalukuyang kapasidad na 48,000 hanggang 60,000 na pasahero kada araw.

 

Ang mga nasabing trains ay may operasyon sa biyaheng FTI-Tutuban at FTI-Malabon routes.

 

Samantala, nagdagdag ang PNR ng limang stations mula sa Tutuban, Manila hanggang pagkalampas ng Calamba station.

 

Ang mga bagong stations ay ang Pansol, Masili, Los Banos College, Los Banos, at International Rice Research Institute sa Laguna.   (LASACMAR)

Other News
  • ‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis

    TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa […]

  • Talk to the People Address ni PDu30, pinagpaliban

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na walang magaganap na Talk to the People Address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Abril 7 bunsod ng tumataas na bilang ng aktibong COVID-19 cases kasama na rito ang mga tauhan ng presidential security group (PSG).   “The physical safety of the President remains our utmost concern,” ayon kay Presidential spokesperson […]

  • Ads May 6, 2021