Paalala ng Malakanyang sa mga lokal na kandidato: huwag lumabag sa batas
- Published on March 30, 2025
- by @peoplesbalita
Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay “Unang-una, kasi kayo po iyong magsisilbing leader eh, so dapat kayo po iyong manguna na sumusunod sa batas, so iyon lang po iyong paalala natin.”
Pinaalalahanan din niya ang security forces na manatiling ‘apolitical’ ngayong panahon ng eleksyon.
”Huwag magpagamit sa politiko, huwag magpagamit sa damdamin. Alam nila, tandaan nila na ang kanilang trabaho ay manatiling loyal sa bansa, loyal sa Konstitusyon, iyon lang po,” diing pahayag ni Castro.
Samantala, opisyal nang nagsimula ngayong araw ng Biyernes, Marso 28, ang campaign period para sa mga lokal na kandidato mula sa pagkagobernador hanggang sa miyembro ng Sangguniang Bayan.
Paalala ng sa mga lokal na kandidato, sumunod sa mga regulasyon sa pangangampanya gaya ng tamang sukat para sa mga campaign materials at ang tamang pagpapaskil nito sa mga piling lugar na pinahihintulutan ng komisyon.
2ft by 3ft ang pinapayagan sa mga posters at standee habang 3ft by 8ft naman sa mga streamers.
Pinaalalahanan din ang mga lokal na kandidato sa pangangampanya gamit ang TV at radyo, kung saan pinapayagan lamang sila na magkaroon ng 60-minute airtime sa mga TV stations habang 90 minutes naman sa mga radyo.
Papasok na rin ngayong araw ang regulasyon ng COMELEC sa mga lokal na kandidato laban sa vote buying at paggamit ng state resources sa pangangampanya.
Ang mga lalabag sa panuntunan ng COMELEC ay maaaring maharap sa diskwalipikasyon.
Una nang sinabi ni Comelec Chief George Garcia na mas mainit ang kampanya pagdating sa lokal na posisyon. ( Daris Jose)
Other News
-
Sunog, sumiklab sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador
KONTROLADO na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila. Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali. Itinaas sa unang alarma ang sunog […]
-
Andrea, in-unfollow na ang Instagram account ni Derek
HABANG isinusulat namin ang kolum namin ay wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres na pareho naming pinadalhan ng private message. Nalungkot kami kung totoo ngang break na sila. Pero, malaki rin naman ang posibilidad na baka may tampuhan lang. At kung pagbabasehan ang galawan ng kanilang social media accounts, lalo […]
-
Ads January 27, 2020