• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Andrea, in-unfollow na ang Instagram account ni Derek

HABANG isinusulat namin ang kolum namin ay wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres na pareho naming pinadalhan ng private message.

 

Nalungkot kami kung totoo ngang break na sila.

 

Pero, malaki rin naman ang posibilidad na baka may tampuhan lang. At kung pagbabasehan ang galawan ng kanilang social media accounts, lalo na ang Instagram, madaling isipin na si Andrea ang may tampo dahil si Andrea ang hindi na naka-follow sa Instagram account ni Derek. Nag-delete or nag-hide rin ito ng mga pictures nilang dalawa.

 

Habang si Derek ay nag-like pa sa IG post ni Andrea three days ago lang.

 

Binasa namin ang mga comments sa latest post ni Derek sa IG, grabe na naman ang nga comments na ibinabato sa actor. Wala pa namang kumpirmasyon kung ano na nga ang estado ng relasyon nila, matitinding akusasyon at panlalait na ang binabato rito.

 

Kabaligtaran naman sa mga nagko-comment kay Andrea. Karamihan din ng comments, nanghihinayang sa AnDrek Vlog at sa bahay na ipinatayo ni Derek kung totoong wala na nga raw ang dalawa.

 

*****

 

MAGKA-AWAY man ang mga karakter nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese sa award-winning series na Descendants of the Sun magkasundo naman ang dalawa sa tunay na buhay lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

 

“Rivals on TV, but tag team (and proud) delivery boys in real life.”

 

Iyan ang pahayag ni Dingdong o ‘Big Boss’ sa kanyang Instagram post. Nag-deliver sila ng seafood na ibinebenta ni Neil sa pamamagitan ng delivery app na DingDong PH.

 

“Happy to have delivered fresh seafood from K&G Seafood with Neil Sese today. Ingat tayong lahat sa kalsada sa paparating na bagyo. #YouRingItWeBringIt,” dagdag pa ng Kapuso actor.

 

Nitong Setyembre ay opisyal nang umarangkada ang delivery business ni Dingdong kung saan katuwang niya ang grupo ng mga displaced worker ng film at TV industry na nagsisilbing mga delivery rider. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Velasco kay Cayetano: ‘Railroading’ at ‘flawed procedure’ ang ginawa nyo sa 2021 national budget’

    MARIING kinondena ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito dahil sa “pag-railroad” sa 2021 pro- posed P4.5-trillion national budget na nagresulta sa suspensyon ng plenary sessions hanggang Nobyembre 16.   Sinabi ni Velasco, ang ginawa ng kampo ni Cayetano ay salungat sa commitment nito na gawing bukas, […]

  • Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod

    TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan.   Ang race cut-off time ay 36 na […]

  • PNP handang magbigay ng seguridad kay Teves

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na bibig­yan ng sapat na seguridad  si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves sa pagbabalik nito sa  bansa.     “We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces [are] more than willing to provide security to him and […]