• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.

 

Imbes aniya na pahalik ay papalitan ito ng pagpupugay at pagtanaw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga deboto.

 

Maaari umanong makita ng mga beboto ang imahe ng Itim na Nazareno na inilagay sa balkonahe ng Quiapo Church.

 

Idinungaw ngayon ang imahe ng Nazareno na ginagamit sa prusisyon kung saan maaaring sumaglit ang mga tao sa simbahan upang iwagayway ang kanilang panyo bilang tanda ng pagpupugay sa Poong Nazareno.

 

Hindi rin papayagan ang mga deboto na ipunas ang kanilang mga panyo sa imahe, na isa sa mga nakasanayan na ring gawin ng mga deboto tuwing pista ng Itim na Nazareno.

 

Bukod dito ay hindi rin hinihikayat ng pari ang mga deboto na magdala ng malalaking replica ng Nazareno dahil sayang ang espasyo.

 

Other News
  • Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod na 3 linggo – MMDA

    MAAGANG nag-abiso ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko hinggil sa posibilidad ng pagbigat pa lalo ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Kamaynilaan ngayong papalapit na ng papalapit ang holiday season.     Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, asahan na pagdoble ng bigat ng trapiko sa […]

  • WHO kinumpirma ang unang kaso ng ‘human-to-animal monkeypox transmission’

    PINAYUHAN  ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.     Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.     Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission […]

  • Travel restriction laban sa United Kingdom, pag-uusapan pa ng IATF- Sec.Roque

    PAG-UUSAPAN pa ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad ng travel restriction laban sa United Kingdom o pansamantalang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa nasabing bansa dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019. “Pag-uusapan pa po iyan sa IATF pero sa ngayon po, in place pa naman iyong ating mga protocols para […]