Travel restriction laban sa United Kingdom, pag-uusapan pa ng IATF- Sec.Roque
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
PAG-UUSAPAN pa ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad ng travel restriction laban sa United Kingdom o pansamantalang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa nasabing bansa dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019.
“Pag-uusapan pa po iyan sa IATF pero sa ngayon po, in place pa naman iyong ating mga protocols para sa lahat ng pumapasok ng Pilipinas kasama po iyan iyong mandatory quarantine habang hinihintay po ang resulta ng kanilang PCR tests,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, nagpatupad ang ilang mga bansa ng travel restriction laban sa UK dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019.
Ito’y makaraang iulat ng London na “out of control” umano ang pagkalat ng bagong strain ng COVID-19.
Kasama sa mga bansang agpatupad ng travel ban ay ang mga sumusunod:
France, Germany, Italy, Ireland, Netherlands, Belgium, Austria, Sweden, Finland, Switzerland, Baltics, Bulgaria, Romania, Croatia, Turkey, Iran, Israel, Saudi Arabia, Kuwait, El Salvador
Sa Pilipinas, hindi pa umano nakikita ang pangangailangang magpatupad ng travel restriction sa UK dahil wala pa umanong nakikitang ganitong strain ng virus sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na hihigpitan naman ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa. (Daris Jose)
-
UAAP volley hahataw na!
MULING masisilayan ang umaatikabong aksyon tampok ang matitikas na collegiate volleyball stars sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 women’s volleyball tournament. Nakatakdang umarangkada ang bakbakan sa Mayo 5 matapos ang pagdaraos ng men’s basketball tournament. Kaya naman pagkakataon na ng mga fans na masilayan ang kanilang hinahangaang […]
-
Lopez kapitbahay si Morente sa ‘Calambubble’ training
TULUNGAN ang ‘magkapitbahay’! Kapwa naka-quarantine sina sports stars Pauline Louise Lopez ng taekwondo at Michelle Morente ng volleyball sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kaya naging magkasundo ang isa’t isa. Habang ‘nakapiit’ sa hotel bilang paghahanda sa susunod nilang mga kompetisyon, naging magkatabi lang ang kwarto ng dalawa kaya nag-abutan […]
-
Pinas, patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign govts
PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa foreign governments para masiguro na protektado ang mga Filipino seafarer lalo na sa Red Sea. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na kinikilala nito ang naging pahayag ng United Nation Security Council na kinokondena ang ginawang pag-atake sa […]