• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC

BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham  Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City.

 

Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board Meeting bukas (Martes, Enero 12) sa nasabing lugar.

 

“Ngayon lang namin napagtanto ang bagay na ito, at pangunahin namin itong pag-uusapan sa board. Ang POC pala walang permanenteng opisina sapul noong 1911 pa. Mabigat man itong sabihin, pero parang informal settler. Nakikitira lang ang POC sa facilities ng PSC. Hindi rin naman sa PSC ang kinatitirikang lugar (kasaosyo ang DepEd),” salaysay kamakalawa ni Tolentino.

 

Kakahalal lang opisyal ng sports at Cavite Eight District Representative na pangulo ng POC nitong Nobyembre at sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) nitong Disyembre.

 

“Nakakalungkot, pero baka isa tayo sa mundo, o sa Asia o kahit sa Southeast Asia na ang POC ay walang sariling opisina. Daig pa tayo ng Laos, Myanmar at Thailand na may mga sariling opisina. Kaya isa ito sa aking pagtutuunan ngayong taon,” panapos na namutawi kay Tolentino. (REC)

Other News
  • Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months

    Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19.     Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies.     Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente […]

  • Gobyerno nananatili sa ‘targeted testing’ para kontrolin ang pagkalat ng Covid-19

    SA HALIP na mass testing, ang targeted testing o responsible testing ang gagamitin para makontrol ang pagkalat ng Covid-19 habang sinisiguro na ang government resources ay hindi mauubos.     Isinantabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang panawagan para sa mass testing, binigyang diin nito ang pangangailangan para sa pamahalaan na […]

  • PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

    PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.     Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at […]