• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo maghahasa pa sa 2-3 torneo pa-Olympics

MAY dalawa hanggang tatlong kompetisyon pang lalahukan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bago sumalang pangarap ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa darating na Hulyo 2021 dahil sa Covid-19.

 

Nabatid kamakalawa kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrrion-Norton, na gaganapin sa Marso-Hulyo sa Germany, Azerbaijan at Japan ang tatlong kompetisyon ng 20-anyos, 4-11 ang taas at tubong Maynila na gymnast.

 

Nadiyeta sa dalawang nilaruan lang si Yulo sa nakalipas na taon parehong sa Japan sa kasagsagan ng pandemya na pumutok sa mundo nitong Marso.

 

Sumungkit ang reigning world men’s floor exercise champion at current world No. 1 ng isang silver medal sa sa men’s vault ng 53rd All-Japan Seniors Gymnastics sa Gunma Prefecture nitong Setyembte.

 

Habang nakadalawang bronze naman siya sa 74th All-Japan Gymnastics Championships — floor at vault events – sa Gunma pa rin nito lang Disyembre.

 

Nasa ikatlong taon na si Yulo sa Land of the Rising Sun sa pagtustos ng Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanda sa quadrennial sportsfest. (REC)

Other News
  • 1,000 katao na ang patay, 1,500 sugatan sa Afghanistan matapos tumama ang malakas na lindol

    UMAKYAT pa ang bilang ng mga nasawi sa Afghanistan matapos tumama ang malakas na lindol.     Umaabot na sa 1,000 katao ang namatay habang nasa 1,500 ang napaulat na nasugatan.     Inaasahang tataas pa ang naitalang death toll habang nagpapatuloy ang rescue operation sa mga remote areas.     Pinakamatinding tinamaan ng 5.9 […]

  • Dagdag na pulis idi-deploy sa mga vaccination sites, ayuda centers sa ECQ areas – Sec. Año

    Magdi-deploy ng karagdang police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa ibat-ibang vaccination sites, ayuda centers, palengke at supermarkets sa National Capital region sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).   Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.     Ayon sa kalihim layon nito para matiyak ang kaayusan […]

  • PBBM, alam na may hakbang para palitan ang Senate President

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alam niya na may mga pagkilos na palitan si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.     “‘When did I know? The minute they started… actually, it was Senator Chiz (Escudero), the minute he started thinking about it, he brought it up, I think I’m going to try […]