• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoF, maingat sa pag- utang ng gobyerno sa gitna ng pandemiya

TINIYAK ng Malakanyang na maingat ang pamahalaan sa ginagawa nitong pag- utang sa mga local at foreign resources.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aaralan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ang pag- utang ng pamahalaan lalo’t may pinapangalagaang reputasyon ang bansa na may kinalaman sa pag-utang nito.

 

Ito ayon kay Sec. Roque ay ang magandang BBB+ sa credit rating ng Pilipinas na kapag napanatili ay may magandang benepisyo din namang dulot sa bansa.

 

Aniya, kapag maganda kasi ang credit rating ay mababa ang interest na nakukuha ng bansa bukod pa sa mas marami ang gustong magpautang.

 

“Kaya nga po nag-iingat sa pag-uutang ang ating Secretary of Finance Sonny Dominguez kasi importante sa kaniya na manatili iyong napakagandang BBB+ sa credit rating natin kasi habang ganiyan ang credit rating natin, mababa ang interest na nakukuha natin at maraming gustong magpautang sa atin,” ayon kay Sec. Roque.

 

Magugunitang, noong pre- SONA ay iginiit ni Sec. Dominguez ang kahalagahan ng pag- utang ngayong pandemiya lalo na’t apektado rin ng pandemya ang tax collection habang tumaas din sa kabilang banda ang expenses o gastusin ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • LRT 1 AT 2, MAY FARE INCREASE

    MAGPAPATUPAD ng fare increase ang LRT-1 at LRT-2 simula Agosto 2, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes.     Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na fare adjustment ay pagpapabuti sa serbisyo, amenities at technical capacities ng LRT-1  at LRT-2.     Sa fare adjustment,  sinabi ni Aquino na […]

  • Slam dunk ni Norwood sa harap ni Scola pasok na sa 3rd round ng FIBA dunk of the decade

    Pasok na sa ikatlong round ng FIBA Dunk of the Decade ang poster dunk ni Gabe Norwood kay Luis Scola ng Argentina.   Ito ay matapos talunin niya ang entry dunk ni Yi Jianlian ng China.   Nakakuha ng 77 percent na boto si Norwood laban kay Yi.   Dahil dito ay magiging mahigpit na […]

  • Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA, malamang na isailalim sa State of Calamity

    MALAMANG na isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa state of calamity ang Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA dahil sa pinsalang iniwan matapos bayuhin ng mga bagyong Quinta at Rolly.   “Most likely po pero antayin natin ‘yung papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.   Sa ulat, umabot […]