DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).
Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.
Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 90% o 3,197 ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.
Pinakamarami pa rin ang galing sa National Capital Region, na sinundan ng Region 4A at Region 6.
May ilan din na noong pang Marso hanggang Agosto nagpositibo pero kahapon lang nai-report ng mga laboratoryo.
Sa ngayon, may 43,332 pa na mga aktibong kaso ang nagpapagaling.
Ang total recoveries, umakyat din sa 293,152 dahil sa 150 na nadagdag sa listahan. Habang 11 ang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 6,332.
Nagtanggal ang DOH ng 89 duplicates mula sa total case count, at 71 sa mga ito ang mula sa tally ng mga gumaling.
Samantalang dalawang recovered cases ang pinalitan ng tag- ging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na. (Ara Romero)
-
Miami Heat pasok na sa NBA semifinals dahil sa 4-1 lead sa serye vs Atlanta Hawks
PASOK na rin sa second round ng NBA playoffs ang Miami Heat o sa Eastern Conference semifinals matapos na talunin sa Game 5 ang Atlanta Hawks, 97-94. Ang panalo sa serye ng Miami sa 4-1, ay sa kabila na hindi nakalaro ang dalawa nilang superstars na si Jimmy Butler at Kyle Lowry. […]
-
GRETCHEN, ipinagtanggol si ATONG sa kumalat na fake ‘quote card’; JANNO, DENNIS at ANDREW, may bago na namang pasabog
IPINAGTANGGOL ng kilalang socialite-actress na si Gretchen Barretto sa kumalat na fake news tungkol sa businessman at close friend na si Charlie ‘Atong’ Ang. Ipinagdiinan ni Gretchen na hindi totoo ang kumakalat na quote card ni Atong Ang na parang kinakalaban ang presidential aspirant na si ex-senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mas […]
-
KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA
INIULAT ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso. Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus. […]