• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De los Santos asintang gayahin ginawa sa 2020

LUBHANG naging mahirap para sa ang 2020 dahil sa Covid-19, pero mabunga pa rin ang taon para kay karateka Orencio James Virgil De Los Santos sa daming binigay na karangalan para sa bansa at mga Pinoy.

 

Pinokus ng 30-taong-gulang, may taas na 5-5 at tubong Cebu na nakabase sa Maynila na karatista ang panahon siya 52 online karate tournaments nitong Abril-Disyembre at maangas na nagwagi ng 36 gold at tig-3 silver at bronze medals.

 

Naluklok siyang World No. 1 eKata player rin sa 17,645 points nang Oktubre pa lang at namantine hanggang matapos ang nasabing taon ng pambato ng International Shotokan Ka- rate Federation (ISKF).

 

“2020 was a very difficult year for the whole world due to the coronavirus pandemic,” post ni De los Santos sa kanyang Facebook nito lang isang araw. “But fortunately for me, my sport karate adapted to the new concept of virtual competition. Without hesitation, I took the opportunity.”

 

Kalakip sa tikas niya ang pagiging Grand Winner sa eTournaments na Venice Cup, eChampions Trophy World Se- ries, Athlete’s eTournament, Katana Intercontinental League, Golden League eTournament, at eKarate Games 2020.

 

“2020, you were a great year to me. It really has been a blast. I’m all ready to exit and enter into 2021. I do hope for the world to return to normal soon,” panapos na sambit ni De los Santos. (REC)

Other News
  • PBBM, magpapartisipa sa 50th Anniversary ng ASEAN-JAPAN RELATIONS – DFA

    NAKATAKDANG umalis si Pangulong  Ferdinand R.  Marcos Jr.  ngayong linggo patungong Japan para magpartisipa sa ika- 50 anibersaryo  ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.     “The President is leaving on the 15th for Tokyo to attend the 50th anniversary of ASEAN-Japan Relations,” ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary […]

  • Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE

    AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio?   Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot.   Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions […]

  • ELLEN, nagsalita na at nagpaliwanag sa isyu nang pagwo-walkout sa taping ng ‘John en Ellen’

    NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.       Na-imbiyerna daw ang buong production ng sitcom dahil bigla na lang daw umalis si Ellen ng taping sa Laiya, Batangas, kaya hindi raw natapos ang […]