• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

44 bagong ruta sa MM, binuksan

NAGBUKAS ng karagdagang 44 ruta ng tradisyunal na jeepney ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).

 

Pinayagan din ng LTFRB ang karagdagang 4,820 jeep na pumasada sa ilalim ng Memorandum Circular 2020-058.

 

Dahil dito, umabot na sa 27,016 traditional PUJs ang bumibiyahe sa 302 ruta sa Metro Manila simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ).

 

Samantala, narito ang bilang ng mga ruta at PUV na bumibiyahe sa Metro Manila simula Hunyo 1, 2020:

 

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

No. of routes opened: 302

No. of authorized units: 27,016

2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

No. of routes opened: 48

No. of authorized units: 845

3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

No. of routes: 34

No. of authorized units: 4,016

4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)

No. of routes opened: 34

No. of authorized units: 387

5. UV EXPRESS

No. of routes opened: 76

No. of authorized units: 3,263

6. TAXI

No. of authorized units: 20,927

7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)

No. of authorized units: 24,356

8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

No. of routes opened: 12

No. of authorized units: 286

9. MODERN UV Express

No. of routes opened: 2

No. of authorized units: 40

 

Tinitiyak ng LTFRB na patuloy ang pagbubukas ng mga ruta para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa gitna ng pandemya. (Daris Jose)

Other News
  • Bill vs no exam sa mga estudyante na‘di bayad tuition, pasado na sa Kamara

    PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa mga paaralan na payagan ang mga estudyante sa pampubliko at pribadong Higher Education Institutions (HEIs) na kumuha ng pagsusulit kahit hindi pa bayad ang tuition fees o matrikula.     Sa botong 237 pabor ay ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 6483 o […]

  • NAVOTAS MAGTATALAGA NG MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL

    MAGTATALAGA ng mga quarantine enforcement personnel ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19.   Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang […]

  • Mandatory COVID-19 quarantine para sa mga inbound passengers tinanggal na ng China

    TINANGGAL na ng China ang COVID-19 quarantine rule sa mga international inbound travellers. Ayon sa Chinese health authority na ito ang unang pagkakataon na ibinaba nila ang restrictions mula pa noong 2020 ng magsimula ang COVID-19 pandemic. Magsisimula ang pagtanggal ng limang araw ng mandatory quarantine sa darating na Enero 8. Lahat aniya na mga […]