Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.
Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.
Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya dumampot na lang ng kahit sino at pinalabas nakuhanan ng marijuana ang binata ng mga awtoridad o pulis na sumugod.
Napakaimposible para sa pamilya ng medical at sports na kinabibilangan ni Delos na masangkot siya sa bawal na droga.
Inantala ng Covid-19 ang hearing ng 20-anyos, may taas na 6-3 na basketbolista at solong anak ni sportsman/businessman at race organizer Adi delos Reyes.
Nitong Nobyembre dapat ang unang bista sa kas. Ppero magkakasunod na bagyo ang pumigil at muntik pang malunod si Andrew at ang may 700 kasamahang nakapiit nang bahain ng mga bagyong Rolly at Ulysses ang kulungan. Nalubog lahat sa baha at putik ang mga kagamitan ng nasa piitan dahil malapit sa San Mateo at Marikina river.
Mabuti’t nailigtas naman ang mga nasa kulungan sa maagap na pagklilos ni Bureau of Jail Management and Penology San Mateo Warden Joey Doguiles.
Nagdonasyon na ng 100 sleeping mats ang ama ni Andrew. Pero kulang pa.
Sana makamit ng pamilya Delos Reyes ang hustisya at lumitaw ang katotohanan na mabit si Joshua na hindi naman talaga sangkot sa anumang bawal na gamut.
Dalangin ng OD na matapos na ang paghihirap ni Adi at kabiyak para sa kanilang nag-iisang anak. (REC)
-
PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census
NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]
-
Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating
Binati ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research. “I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase […]
-
Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo
Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25. Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa […]