Maging leksiyon sa lahat!
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
NASUGATAN sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.
Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.
Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television host, nasa likuran aniya nang biruin at magpanggap na holdaper ni Cariño sa escalator.
“Holdap ito huwag kang gagalaw. Amina ang mga gamit,” biro niya sa kasama sa trabaho.
Pero buo ang loob ni Cariño na siniko sa tiyan para mawalan ng balanse, sumubsob sa sahig na tinukod ang kamay para masugatan, dumugo ang isa kanyang daliri.
Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ng dating manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula sa Ateneo de Manila University-Quezon City, na magaling na ang sugat at huwag na aniyang mag-aalala si Jorge.
At ang payo ni Ms. Ho? Mag-ingat sa pagpa-prank lalo na aniya sa mga war-trained reporter gaya ng kasamahan.
Iginagalang ng Opensa Depensa ang pananaw ni Gretchen.
Pero para sa pitak na ito, huwag na lang tayong mag-prank sa alanganing mga sitwasyon o lugar. Mapuwera na lang na pinagplanuhan talaga o marami para pasayahin ang isang tao.
Mahirap na ang maaksidente sa panahon ngayon.
Matuto tayo sa kaganapang ito. Maging leksiyon sana ito sa ating lahat.
***
Belated happy birthday kina Enrique ‘Toto’ Valera ng Paco, Maynila at Belinda Ignacio ng Santa Ana, Manila na mga nagdiwang nitong Lunes, January 11 at at Linggo, Jan. 3, ayon sa pagkakasunod.
Ang pagbati ay mula sa Fernando Maria Guerrero Elementary School Batch 1982 at Manuel Acuña Roxas High School Batch 1986. (REC)
-
Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko
PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary. Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]
-
Sa direksyon ni Zig Dulay na naghatid ng ‘Firefly’: DENNIS, balik-MMFF din at bibida sa ‘Green Bones’ kasama si SOFIA
MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na “Green Bones.” Isa ang “Green Bones” sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF. Pagbibidahan ito […]
-
Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors
INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa. “Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa […]