• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena, Kouame swak na sa ‘Calambubble’

PUMASOK na ang 12 basketbolista sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna nitong Linggo, Enero 10 para sa Gilas Pilipinas training pool bubble.

 

Ang hakbang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) ay kaugnay sa paghahanda sa national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 third & final window qualifier sa Angeles City, Pampanga sa darating na Pebrero 18-22.

 

Pinangunahan ni Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng Nnorth Luzon Expressway, at  naturalized player candidate Angelo Kouame ang grupo.

 

Pero susundan pa sila ng ikalawang ng PBA stars second batch para rin sa Calambubble sa Enero 22.

 

Swak na rin sa first batch sa pasilidad ng National University ng Pamilyang Sy sina Gilas Cadet members Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, at Rey Suerte.

 

Gayundin sina Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Matetikaana, William Navarro, at Kenmark Carino.

 

Isa kinausap ng PBA at SBP si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG ang tumanggi na mas pinili pa ang magliwalis sa Atlanta, Goergia, USA.

 

Tinapik din sina PBA mentors Norman Black ng Meralco at Carlos Garcia ng Rain or Shine bilang assistant coaches ng national squad. (REC)

Other News
  • ‘Sign of love’ sa kapatid na pumanaw: ELIJAH, nagpa-tattoo para ‘di nila makalimutan si JM

    PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM.      Pati raw ang isa nilang kapatid na si Jerom ay nagpalagay din ng tattoo.     Sign of love daw nila ito para […]

  • Retired referee Carlos Padilla, ‘inupakan’ ni Nedal Hussein matapos ang rebelasyon; tinawag na ‘kriminal’

    Nakarating na sa kaalaman ng dating Australian professional boxer na si Nedal Hussein ang naging rebelasyon ni retired boxing referee Carlos Padilla sa naging “pandaraya” nito noon sa laban nila ni Manny Pacquiao.   Sa isinagawang panayam sa kaniya, inamin ni Padilla na tinulungan niya si Pacquiao upang matalo ang kalaban nitong si Hussein sa […]

  • Malalang korapsiyon sa Pilipinas

    UNANG pumutok ang korapsiyon sa ating bansa matapos ipahayag ni Senator Manny Pacquiao na diumano’y talamak na ito sa ating pamahalaan at ito’y trumiple  pa kumpara sa nakalipas na administrasyon. Agad naman ito pinabulaanan ng kaslukuyang pamahalaan, anila ang naturang Senador ay namumulitika lang dahil sa kanyang political ambition kasabay ng isang hamon na pangalanan […]