• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Secretary Roque, tikom ang bibig kung may impluwensiya pa o wala na sa super majority sa Kongreso si PDu30

TIKOM ang bibig ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkomento sa kung may impluwensiya pa o wala na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa House super majority.

 

Sa halip na sumagot ay ipinaubaya na lamang ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte ang pagsagot kung sa tingin nito ay wala na siyang clout sa mayorya ng mga mambabatas sa Kamara.

 

Puwede aniyang mabanggit ito ng Punong Ehekutibo bukas, araw ng Miyerkules sa kanyang susunod na public address.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Sec. Roque sa gitna ng umanoy hindi pakikinig kay Pangulong Duterte ng mga Kongresista na isaisantabi muna ang pulitika at atupagin sana ang pondo para sa susunod na taon.

 

Sa harap nito ayon kay Sec. Roque ay umaasa pa din ang Chief Executive na kikilos ang mga mambabatas na ikinukunsidera pa ring lider ng partido ang Chief Executive na ipa-prayoridad ng mga ito ang 2021 budget sa gagawing deliberasyon ngayong araw. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Maraming nadismaya na ‘di pumasok sa Top 16 si Celeste: Fil-Am na si R’BONNEY GABRIEL, kinoronahang ‘Miss Universe 2022’

    NAGWAGING Miss Universe 2022 si Miss USA R’Bonney Gabriel sa New Orleans Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana, USA.   Kinabog ng 28-year old Filipino-American from Houston, Texas ang mahigpit niyang nakalaban sa Top 3 na sina Miss Dominican Republic Adreina Martínez (2nd runner-up) at Miss Venezuela Amanda Dudamel (1st runner-up).   Si Gabriel […]

  • DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño

    PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.     “Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng […]

  • Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton

    TULUYAN  nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod.     Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]