Swab test ‘di aalisin – Red Cross
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing.
Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay ng isinasagawa nilang pilot testing ng COVID-19 saliva test.
Ayon kay Ubial, bagama’t ang saliva test ay katanggap-tanggap at ginagamit na sa maraming bansa, ay nananatili pa rin ang swab test na gold standard sa mga COVID tests kaya’t hindi nila ito maaaring tanggalin.
Mas malaki rin ang matitipid ng gobyerno at mga mamamayan kung saliva tests na ang gagamitin sa pagtukoy ng COVID-19 dahil may reagents na hindi na nila kailangang gamitin.
Mas madali rin lumabas ang resulta ng saliva test na aabutin lamang ng ilang oras, kumpara sa swab na inaabot ng ilang araw.
Sa ngayon aniya ay kabilang na rin sa pinag-uusapan kung makokober ba ng PhilHealth ang saliva test.
Kahapon sinimulan ng PRC ang pilot testing sa saliva test sa may 1,000 indibidwal.
Mismong si PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon ang naging guinea pig at unang sumalang sa saliva test, na tinatayang aabot lamang sa P2,000 ang halaga at maaaring mapababa pa. (GENE ADSUARA)
-
Hernandez pader kabanggaan
TULUY-TULOY na sa pagpapakondisyon maski may pandemya pa rin si Philippine SuperLiga (PSL) star Carlota ‘Carly’ Hernandez. Solong nagpapapawis nitong isang araw lang ang Marinerang Pilipina Lady Skippers upang masterin ang kanyang volleyball passing drills. Pinaskil sa Instagram story ng 21 taong-gulang at may taas na 5-6 na pader muna ang […]
-
Sampaguita vendor sinaksak ng 2 kapitbahay
Nasa kritikal na kalagayan ang isang sampaguita vendor matapos pasukin at saksakin ng dalawang kalugar habang kainuman ng biktima ang dalawang kaibigan sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, Miyerkules ng gabi. Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Mark clarence Garcia, 23 ng no. 21 […]
-
Ilang NBA stars, hindi pa tiyak na sasali sa Olympics
Wala pang katiyakan ang ilang NBA stars kung maglalaro sila sa Tokyo Olympics sa susunod na taon. Ilan sa mga dito ay sina Golden State Warriors player Stephen Curry, Andre Wiggins at Damian Lilard ng Portland Trailblazers. Halos magkakapareho ang kanilang kasagutan na hindi pa nila matiyak kung sila ay sasabak sa Tokyo […]