Sampaguita vendor sinaksak ng 2 kapitbahay
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa kritikal na kalagayan ang isang sampaguita vendor matapos pasukin at saksakin ng dalawang kalugar habang kainuman ng biktima ang dalawang kaibigan sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, Miyerkules ng gabi.
Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib ang biktimang si Mark clarence Garcia, 23 ng no. 21 Camia St. Brgy Maysilo habang pinaghahanap naman ang mga suspek na kinilalang si Jomel Cedillo, 22, at Sargie Flores, 27.
Sa report nina police investigators PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 11:25 ng gabi, kainuman ng biktima ang dalawang kaibigan na si “John John: at “Anot” sa loob ng kanyang bahay nang pumasok ang mga suspek.
Sa hindi malaman na dahilan, inundayan ni Cedillo ng dalawang saksak sa dibdib ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.
Isinugod ang biktima sa Women’s Children Hospital at kalaunan ay inilipat sa VGH habang narekober naman ng mga rumespondeng barangay sa insidente ang ginamit na patalim sa pananaksak. (Richard Mesa)
-
Pagsasailalim sa MGCQ, wala pang definite date- CabSec Nograles
WALA pang siguradong petsa kung kailan na ang buong bansa ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). Ang MGCQ ay protocol kung saan ay pinapayagang palawigin ang public transport at business operations at paluwagin ang restriction sa mass gathering. Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito […]
-
Jullebee Ranara, inilibing na
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5. Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa […]
-
Bulacan public health, itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa bakuna kontra COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS– Sa isang taong mababakunahan kontra COVID-19, isang hakbang na mas malapit upang makamit ang herd immunity sa bansa. Ito ang paalala ng Bulacan Provincial Health Office-Public Health na itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa kanilang opisyal na Facebook account at sa mga lugar ng bakunahan na tinawag […]