• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

Ayon kay Caloocan polic chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong shabu session sa 657 Anonas St., Amparo Subd, Brgy. 179.

 

Pagdating sa lugar, nakita nina PCpl Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang si Jhon Lester Mayor, 19, at Raymond Debangco,  28, na sumisinghot ng shabu kaya’t agad nilang inaresto ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 15.06 gramo ng hinihinalang ng shabu na tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

Sa Valenzuela, nadakma naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy-bust operation sa Blk 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon si Wilfredo Paragas Jr. alyas Nog-nog, 34, Cherry Deloria, 32, at Jaspher Reyes, 24, bandang alas-12:15 ng madaling araw.

 

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills. (Richard Mesa)

Other News
  • May feeding program at maagang pamasko sa Distrito Uno: Cong. ARJO, bagitong pulitiko pero pasok agad sa Top 10 District Rep. ng NCR

    SOBRANG nakaka-proud si Congressman Arjo Atayde dahil pasok ang baguhang actor-politician sa Top 10 District Representatives sa National Capital Region.     Base ito sa isinagawang survey (Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 2022) ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) para sa Job Performance Rating ng District Representatives.   Nasa pang-sampung puwesto si Arjo bilang […]

  • DESIREE, pinahanga si BOOM sa pinagdaang hirap sa pagbubuntis sa kanilang baby boy

    SINILANG na ni Desiree del Valle ang baby boy nila ng mister na si Boom Labrusca noong nakaraang October 4.         “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa post niya sa Instagram.   Proud daddy and husband si Boom at […]

  • Sixers Joel Embiid nagtala ng kasaysayan matapos tanghalin bilang scoring champion sa NBA

    OPISYAL nang kinilala ng NBA ang Philadelphia 76ers superstar na si Joel Embiid bilang scoring champion.     Sa huling game ngayong araw bilang regular season finale nakapagtala ng average na career high sa 30.6 points per game si Embiid.     Naging dikitan ang agawan nina Embiid sa titulo kay dating NBA MVP na […]