• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meralco may 5 malaking pambabakod kay Fajardo

INAASAHAN na ng marami na mabibigyan  ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.

 

Namemeligro naman si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr. dahil hindi nakapaglaro sa Pampanga bubble na naipit sa pag-lineup sa kanya noong isang taon at galing sa injury.

 

Pero lumagda na ang dalawang basketbolista sa Bolts para sa 46th PBA PH Cup 2021 na magbubukas sa darating na Abril 9.

 

Maaaring nabigyan din ng isang taong bagong kontrata si Baclao kagaya ni Jamito dahil sa iisa ang kanilang agent-manager, ang magaling na si Danny Espiritu.

 

Mula sa bench, may average ang 30-anyos, 6-5 ang taas at tubong Basud, Batangas na si Jamito ng 5.0 points at 3.8 rebounds per game pumatok ang YouTube channel niyang Jammer Jamito Explore sa pasiklab sa Bolts sa semifinals.

 

Makakabalik na rin sana sa all-Pinoy bubble ang 6-5, 33-anyos na center/forward na si Baclao mula nang operahan sa injury (ruptured patellar tendon), pero naipit sa rule. Hindi naisama ang pangalan niya sa

 

Makakatulong ang dalawa sa malalaking manlalaro ni Bolts Norman Black kina Raymond Almazan, Clifford Hodge at Reynel Hugnatan sa misyong madale na nila ang unang titulo sa ika-11 taon sa parating na season.

 

Nasisilip ng Opensa Depensa, na preparasyon na rin ng team ang hakbang para pagbabalik naman ni 6-10 center, six-time pro league Most Valuable Player June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer makaraan ang one-season rest sanhi rin ng operasyon sa injury. (REC)

Other News
  • HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.     Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa […]

  • Marcial lubos ang pasasalamat sa tulong ni Thirdy Ravena

    Ipinagmalaki ni Olympic-bound boxer Eumir Marcial ang ginawang pagtulong ni basketball star Thirdy Ravena.     Kasunod ito sa naging hinanakit ni Marcial sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Boxing Federation dahil sa hindi sapat na pondo at suporta.     Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito na ang naging palitan nila ng […]

  • DOH: COVID-19 holiday surge hindi pa nalusutan, paglobo ng kaso baka ‘mid-January’

    Kahit na mababa ang mga naitatalagang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nagdaang araw, hindi nangangahulugang nalusutan na ng Pilipinas ang paglobo ng mga kaso dahil sa nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).     Binabantayan kasi ng gobyerno ang biglaang pagsipa ng mga kaso dahil sa kaliwa’t […]